Mga Kabuuang Pageview

Linggo, Oktubre 26, 2014

3 days IN BLACK WITHOUT SUN: NASA CONFIRMS


(Photo credit: www.nasa.gov.com)

NASA has confirmed that the three days of darkness will take place this year on days 21, 22 and 23 December. The land will remain during these three days without sun, night ie in total darkness due to a solar storm ....

This is the head of NASA Charles Bolden who made the announcement and asked everyone to remain calm. This will be the product of a solar storm, the largest in the last 50 years for a period of 72 hours.

Note that in the responses of Light Beings to questions Monique Mathieu by his members "From Heaven to Earth," she wrote: "The three days of darkness will actually take place. This will be an extremely difficult time for humanity.


(source : science.nasa.gov)

Data Analysis


According to this message, which is making its way around via social media and email, NASA has predicted that the earth will experience a total blackout for a three day time period in December. 

The original version of the message claimed that the blackout was to occur in December 2012. A more current version specifies the date as just December this year. 

The first version of the message claimed that during the blackout period, the universe would be aligned and the earth would shift into the zero dimension before shifting to its new home in the fourth dimension. The message recommended that during the blackout time, people stay calm and pray to prepare themselves for a brand new world. But, warned the message, many people who remained unprepared might die of fear during the blackout. 

The updated version of the message blames the cause of the blackout on a large solar flare and claims that the impending blackout had been predicted for centuries by different religions and traditions. 

Not surprisingly, the claims in both versions of the message are complete and utter nonsense. NASA has made no such prediction. Nor has any other credible scientific organization anywhere else in the world. 

In what is apparently an utterly lame attempt to make its outlandish claims seem more believable, the message links to a video featuring NASA administrator Charles F. Bolden, Jr. In the video, Bolden does talk about family preparedness but makes no mention of planetary blackouts, universe alignments or even shifts to the zero dimension. The video can be seen in its original context on the NASA website. 

And, for the record, there is no mention of such an impending blackout anywhere on the NASA website. Nor are there any reports about it on any credible news or scientific websites.  
Perhaps who ever penned this piece of nonsense meant it as just a leg-pull. A bad science fiction writer perhaps? And a master of understatement? The messages predict a catastrophic, utterly world changing event but ends with a casual warning to avoid traveling in December! But whatever its motivation, submissions and comments indicate that the message is nevertheless causing fear and anxiety among at least a few of the more wide-eyed among us. (source: hoax-slayer.com)

Mga Kuwento sa Komiks ( Larga 1)


MGA KUWENTO SA "MGA KUWENTO NI LOLA"



















List of Beautiful Filipina Band Vocalists and Singers

Up Dharma Down (adem chua) Tags: nikon band d90 2875mmf28 updharmadown armimillare

Armi Millare (joelCgarcia) Tags: gig band liveperformance d300 anonas 85mmf18d 70sbistro updharmadown armimillare

Armi Millare
( Vocalist/Keyboardist  of Up Dharma Down) 





Lugee Basabas
( Mojofly/ De Lara vocalist)




Yeng Constantino 






Barbie Almalbis- Honasan
( former vocalist of Hungry Young Poets  and Barbie's Cradle band)




Kitchie Nadal
( former vocalist of Mojofly band) 


Sarah Geronimo

Linggo, Oktubre 19, 2014

DONAIRE, PINALAKOL NI WALTERS


NASAPOL NI PALAKOL! Isang solidong kanang suntok ang pinakawalan ni Jamaican pug Nicholas “The Axeman” Walters kay Nonito “The Filipino Flash” Donaire sa huling segundo ng Round 6 sa kanilang bakbakan para sa WBA super featherweight title, na idinaos sa Stubhub Center sa Carson, California. (Chris Farina/ Top Rank)

Carson, California-        Mukhang hindi pa hinog na umupak sa super featherweight division si Nonito “The Filipino Flash” Donaire (33-3, 21 KO’s). Ito marahil ang naging dahilan kung kaya natalo siya ng mas sanay sa nasabing division na si Jamaican pug Nicholas “The Axeman” Walters (25-0, 21 KO’s). Nagbunyi ang mga taga- Jamaica nang pabagsakin ng kanilang kababayang boxer si Donaire sa Round 6 sa title bout para sa WBA super featherweight title na idinaos sa Stubhub Center sa Carson sa California. Una nang natumba sa lona sa Donaire sa Round 3, pero agad namang itong nakatayo. Ika nga ng mga nakapanood, di umubra ang bilis ni Donaire sa palakol ni Walters. Asintado umanong sumibak ng kalaban.

Pero, pagsapit ng Round 6, na siyang itinakda ni Walters na tatapusin n’ya ang laban, nagawa nitong pabagsakin ang Pinoy pug sa huling natitirang 10 segundo nang tamaan ng malakas at matulis na kanang smasher sa bandang ulo’t tainga ni Donaire. Itinigil ng referee na si Raul Caiz ang laban dahil hindi na nagawang rumesponde sa pakikipagtalastasan ni Donaire kahit nagawa pa nitong makatayo. Marahil, ininda ni Donaire ang cut sa kaliwang mata nito at pamamaga ng kanang mata. Bagama’t nakikipagsabayan kay Walters, medyo hindi iniinda ng Jamaican pug ang suntok nito kumapara sa nagawa n’ya sa Round 2, kung saan muntikan nang bumagsak ang tinaguriang “The Axeman”.

Ayon kay Walters, isang pangarap na natupad aniya ang matalo ang isa sa de-kalibreng bosingerong si Donaire na nasa listahan ng pound-for-pound list. Sa edad na 4-anyos, habang nangangarap na naglalakad nang nakayapak sa dalampasigan, nagpasya na siyang maging boxer pagkatapos bigyan ng gloves ng kanyang ama na isa ring boksingero. Ang hirap at kaabahang na dinanas noong mga nagdaang panahon ang naging inspirasyon at motibasyon n’ya upang pag-igihan ang laban. “He beat the shit out of me,” ani Donaire pagkatapos ng laban na pinuri si Walters dahil sa kakaibang kakayahan nito at lakas bilang boxer.

 “You're my favorite fighter now,” sabi pa ni Donaire kay Walters na kinilala rin ang kakayahan ng “The Filipino Flash” sa lona. Kapag scorecards ang pag-uusapan, napag-iwanan si Donaire pagkatapos ng Round 5 sa kartadang 49-45, 48-46 at 48-46. Nagpakawala ng 122 power punches si Walters (41 rito ang tumama)  kumpara kay Donaire na 110 lamang ( 36 lang ang tumama).

Dahil sa pagbo-boksing, unti-unti n’yang naiiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya. dahil sa pagkapanalo, posibleng makaharap ni Walters ang mananalo sa upakan nina two-time Olympic gold medalist Vasyl Lomachenko kontra Thai boxer na si Chonlatarn Piriyapinyo bilang undercard sa Pacquiao-Algieri bour sa Nobyembre 22 na idaraos sa Macau, China.

Linggo, Oktubre 12, 2014

Ano ba ang in na kuwento ngayon? ( Ang Karisma ng Wattpadd)




Mahilig ka bang magbasa ng kuwento? Kung oo, ano naman ang pinakagusto mong tema? Well, depende 'yan sa tao. Kasi, iba-iba ang panlasa ng bawat isa. May gusto ng horror o mga kuwentong kababalaghan, mayroon namang action at adventure, o iba 'e romantic comedy o kaya drama, yung iba 'e suspence thriller, may gusto ng talambuhay ng mga sikat na tao ( anekdota). 

Bilang isang manunulat, masasabi kong kulang pa ako sa mga sustansiya, ng mga pasikot-sikot sa plot. Mahirap atang gumawa ng plot na kakaiba sa lahat. Kaya, kung gagawa ako ng kuwento, sinisiguro kong magugustuhan ng madla. Kung hindi, durog. 


Buweno, na-engganyo akong maging writer sa Wattpadd na sinasabing bagong paglalagyan ng iyong mga akda. Kailangang in o nasa uso ngayon ang peg o teme ng susulatin mo. Iba na kasi ang panahon noon kaysa sa ngayon. kaya, naisip kong magandang rarget na readers ay di lang pangkalahatan. Kundi, 'yung bumubuo ng mas maraming bilang ng populasyon ng bansa...  o ng mundo pa nga. Ang mga kabataan. Kapag sila ang tumangkilik ng iyong mga akda, tiyak na buhay at sisigla ang iyong karera sa pagsusulat. Napatunayan ko na kahit isa ka pang mahusay na writer, pupuwede ka palang daigin ng isang bata. ( Wala naman akong sinasabing magaling ako! :)

Napansin  ko lang sa Wattpadd, madaling basahin ang mga akda rito, pero di mo puwedeng kopyahin. Mainam. 


Kaya naisipan ko na ring magsulat ng mga kuwneto ko rito. Sa gayun ay mapansin. Salamat naman at may mga nagbabasa ng gawa ko na malayong-malayo sa isinusulat kong tema noon. Ngayon ko napatunayan na iba talaga ang hatak ng Love Story, yung talagang pampakilig talaga. Kapag kasi kinilig ang mga bagets, tiyak na patok ang akda mo. katunayan, ang ilang serye sa telebisyon, maging ng sa pelikula ay hango sa mga kuwento sa Wattpadd. 




Mantakin mo, kapag ginawang pelikula ang isang akda WP, tiyak na patok 'yan sa takilya, ( siyempre, ayos din dapat ang gaganap na artista). Unang-unang tatangkilik d'yan  ay yung fans ng Wattpadd. Halimbawang ang isang akda ay na ginawang movie, na mayroong 5 milyong readers ( yung di paulit-ulit o kada indibidwal ang  count) , itong reader na to,  ang manonood ng pelikula. May instant 5 milyon na agad ang manonood ng movie. 

Miyerkules, Oktubre 8, 2014

NICOLAS CAGE, ISA RAW BAMPIRA?



Ang aktor na si Nicolas Cage at ang larawan ng lalaking nabuhay noong Civil War Era (1870). Giit ng nagbebenta ng litrato na si Cage din ang lalaking ito. (www.youtube.com

May hiwaga raw umano sa pagkatao ng sikat na actor na si Nicolas Cage. Na siya raw ay maaaring isang bampira. Sige limiin natin kung bakit tinuran ito ng ilan. May isa kasing larawan ng isang kelot  sa Civil War era na noong taong 1870,  ang hawig sa hitsura ng aktor. Kung kaya, may sitsit na si Cage ay isa raw  may genes ng real-life vampire.

Iniugnay kasi ito nang gumanap ang aktor sa pelikulang “Vampire’s Kiss” at gumanap naman ng demonic role pero bida sa pelikulang “Ghost Rider”. Ngunit, ang kanyang koneksiyon sa mga bloodsucking species ay nagtatapos na lamang doon. 

Pero, hindi sa kelot na si Jack Mord na isang antiques dealer, na kung saan nagpost ng isang larawan ng isang lalaki ibinebenta sa eBay. Ang lalaking ito ay mula sa Bristol, Tennessee. Sabi ni Mord, ang lalaking ito ay may kaugnayan kay Cage o malamang na siya rin mismo.

Naniniwala si Mord na si Cage ay isang bampira na pinananatiling bata ang kanyang hitsura kada 75 taon, o mas maaga pa rito sa pamamagitan ng pag-inom ng dugo. Isa sa mga ebidensiya ni Mord tungkol dito ay ang isinulat ni Cage sa isang social networking site na agad din nitong binura. Ang nakalagay doon na isinulat ni Cage ay: 

“150 taon mula ngayon, maaaring isa na akong politiko, lider ng isang kulto, o kaya naman isang talk show host.”

Sinabi rin ni Mord na ang 50-anyos na ngayon na aktor ay halos di rin nagbago ang mukha sapol pa noong gawin nito ang pelikulang “Moonstruck” noong taong 1987. Hamon niya, pagkumparahin ang larawan noon ni Cage at ihambing ito sa ngayon. Halos ganun pa rin aniya ang mukha niya.

Si Mord na siyang nagbebenta ng antigong larawan umano ni Cage ay hinamon ang sinumang interesadong bumili sa larawan ng aktor noong taong 1870, na suriin ang naturang litrato sa pamamagitan ng facial recogniziton software.kapag in-eksaminin  daw ang orihinal na larawan ay mapapatunayang ang kelot na nasa larawan at ang aktor ay iisa lamang. 

Ang litratong lumabas, 3 taon na ang nakararaan, ay may presyong 1 milyong dolyar. Subalit, sinupalpal ng ilang vampire expert ang pahayag ni Mord,. Hindi aniya iyon si Cage, at kung siya man ay hindi maaaring kuhanan ng larawan ang isang bampira.

At kahit litratuhan mo ang isang bampira, blangko ang lalabas sa frame kapag na-developed na raw ito. Ayon sa mga eksperto, kamukha lang ni Cage ang lalaki sa Civil War Era photo. 

Gumigimik lamang daw si Mord para kumita at sumikat. Kaya napapanatiling bata ni Cage ang kanyang hitsura ay dahil dumaan ito sa face lift. Nariyang kinopya nito ng pasimple ang hitsura ni Gene Wilder na sikat na aktor noong dekada 60 at 70 para maging bankable aktor siya sa Hollywood

Martes, Oktubre 7, 2014

ALL OPM SONGS NA ANG PATUTUGTUGIN SA PINAS FM 95.5


(photo credit: www.pinasfm95.5)

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng FM radio sa bansa, pawang mga kantang likha ng mga mang-aawit na Pilipino ang patutugtugin sa istasyong  DWDM Pinas Fm 95.5. 

Ang naturang istasyon ay sumusuporta sa industriya ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit anupa't karamihan sa pinapatugtog na mga awitin ay pawang Original Pilipino Music (OPM). At ngayon ngang buwan ng Oktubre, tutok na ang Pinas FM 95.5 sa pagpapatugtog ng kantang Pilipino sa buong oras ng kanilang pagsasahimppapawid, 24/7. Nangangahulugang, hindi makakaporma ang mga awiting mga banyaga sa nasabing istasyon. 


(photo credit: www.pinasfm95.5)

Layun ng pagkilos at programang ito ng istasyon na mapalakas pa ang tugtugang Pinoy na napapansing humihina sa nakalipas na dekada, dahil sa pmamayagpag ng mga awiting banyaga. Subait sa ngayon, panahon na aniya upang mamayagpag sa ating sariling bayan ang awiting Pinoy. Bukas din ang naturang radio station sa pagtuklas ng bagong talento at himig ng mga aspiring singers, na nagnanais na maibahagi ang kakayahan sa larangan ng musika. na magbibigay dana naman s amga bagong mang-aawit at mga awitin na mabibigyang pagkakataong maisa-himpapawid sa nasabing radio station. 

Sabado, Oktubre 4, 2014

MISTERYO SA KAMATAYAN NG TATLONG PAMOSONG JUAN



 
Jerusalem, Israel- Sa loob ng nakalipas ng 2,000 libong taong pag-inog ng panahon, tatlong Juan o mga personalidad na may pangalang “John” ang nakilala ng mga tao sa kasaysayan.

Ang mga naturang personalidad ay nabuhay sa magkakaibang panahon at henerasyon. Pero, ang nakakatawag pansin sa mga dalubhasa’y bukod sa magkakapareho sila ng pangalan, ay pareho  rin sila ng senaryo ng kaniya-kaniyang sinapit na kamatayan.
Sila’y pinaslang sa pamamagitan ng pagtira sa kanilang sentido o ulo. At ang kakatwa dito, may time pattern din na akmang lumabas sa pagkakapaslang sa kanila na ikinagulat ng mga numerologist at historian sa Jerusalem. Si John (the Baptist) ay pinugutan ng ulo samantalang ang dalawa (sina Kenneny at Lennon) ay nabaril sa ulo.

Pinag-aralan ng mga Bible scholars na namatay si John (the Baptist)  tinatayang noong 29 A.D. Ang misteryo sa numerology ay iniugnay dito at ikuwenta,  kung saan ang pagitan nito ay siya ring kamatayan ni John F. Kennedy hanggang kay John Lennon. Aniya, may pitong panahong siklo umano ang mundo o mismong panahon. Mula sa 29 A.D ay gagamit tayo Tetra numerology na kung saan ay gagamit ng substraction. Para makuha kung anong panahon lilitaw ang isang John (tumutukoy kay Kennedy) at kung kailan ito mapapaslang.

Ayon sa sikat na numerologist na si Mustafa Ellahee at  isa ring medical palmist ng bansang Pakistan, kapag numero ang pag-uusapan, puwedeng i-konekta ang buhay ng tatlo. Para matukoy kung anong taon mapapaslang ang isa pang John ay ginamitan ng Basic Kabbalah numerology substraction method, kung saan ang 29 A.D ay ibabawas ang 2 sa 9 at ang sagot ay 7. At dahil sa ang numerong 9 ay siyang supreme single digit number ay i-mu-multiply lamang ito sa 7 kaya lalabas na 63 ang sagot. Ganito rin ang ibinigay na patter ng

Sa sagot na 63,  i-a-add lang ito na 6+3 at lalabas uli ang 9 para makuha ang buwan kung kailan mapapaslang si Kennedy. Bale 29- 9 =20- 9=11. Kaya lalabas na 11 ang sagot na papatak na sa buwan ng Nobyembre. Sa pagkuha sa araw, babatay tayo sa scale number na 29 uli. Bale, ibabawas lang sa 29 ang  numerong 7 na siyang pitong inog ng panahon o time,  (bale 29-7=22). Kaya ang petsa ng kamatayan ni Kennedy ay may code na 11-22-63 na lumabas na Nobyembre 22, 1963 kung saan ay siyang petsang  pinaslang ang presidente ng U.S na binaril sa sentido ni Jack Ruby.

Kasunod ng sirka ng pagkamatay ni Juan Bautista hanggang kay Kennedy, matutukoy naman ng J-pattern na sinusunod ni Abrum para malaman ang petsa na akma nga sa kamatayan ng miyembro ng Beatles na si John Lennon.

Bale, mula 1963 (code year 63) ay idadagdag lang natin ang makukuhang numero mula sa circa o sa nakalipas na death scenario na lumipas na. At dahil sa dalawa na ang naganap na ganito, ang 29 na scale number na siyang simula ng death pattern ay babawasan lang ng bilang 2 dahil tapos na ang sirka nina Bautista at ni Kennedy. Bale ganito, 29-2 (Baptist-Kennedy mark)=27 At dahil pagkatapos ng siklong number 9 ay 10, ibabawas ito sa lalabas na numero. Bale, 1963+27-10= 1980.

At dahil sa buwan ng Nobyembre pinaslang si Kennedy, magdadagdag tayo ng isang buwan (dahil continuation ito ng number pattern) at sa araw naman ay ang numerong 9 ay babawasan ng isa. Bale 11+1=12 (month), 9-1=8. Kaya pumatak nga na Disyembre 8, 1980 pinaslang si John Lennon na binaril ng isang panatiko sa ulo sa New York City.

ANG IKALAWANG BUGTONG NA ANAK NG DIYOS!




Tahasang inihayag ng Intsik na si Hung Hsiu-ch’uan na siya umano’y ipinadala ng Panginoong Diyos, upang iligtas ang bansang China sa napipintong katapusan ng mundo noong taong 1850.


Noong taong 1850 AD, ang isang gurong Instik na si Hung Hsiu-ch’uan ( 1814-1864) ay bumagsak sa isang government job examination sa ikatlong pagkakataong pagkuha niya rito. Kung kaya, nagdusa siya sa emotional collapse at sa mga panahong iyon ng kanyang matinding panlulumo, sinabi niyang nakakakita umano siya ng mga pangitain. Aniya, may nakikita siyang matandang lalaki na balbas sarado. Kulay ginto ang balbas nito at nakakakita rin siya ng isang binatang lalaki. Ang mga pangitain ay nakita niya noong siya’y edad 24-anyos.

Ang dalawang mahiwagang pangitain niyang ito ay nagsasabing ang mundo ay pamamahalaan ng mga demonyo at siya  raw ang natatanging instrumento  upang pigilan iyon at puksain. Kalaunan, pagkatapos niyang bumalik sa kanyang home village, binasang muli ni Hung ang “Chinese Christian Missionary” book, na kung saan ay natuklasan niya ang mga kahulugan ng kanyang mga pangitaing kanyang nakita.

Aniya, ang matandang lalaki umano ay ang Panginoong Diyos at ang binata o ang isang lalaki na nasa edad 30 pataas ay siya umanong si Jesus Christ. Tahasan din niyang ipinahayag na siya umano ang “Ikalawang Bugtong na Anak ng Diyos” na ipinadala sa daigidg upang iligtas ang bansang Tsina.  Kalauna’y nangaral siya at ang karisma ng kanyang pagtuturo’y nakaakit ng maraming tagasunod at siya’y naging pinuno ng grupong kilala bilang “Pai Shang-ti Hui” ( o God Worshipper’s Society).

Noong taong 1850, ang naturang samahan ay nagpasimula ng isang pag-aalsa laban sa Manchus. Noong taong 1851, ipinahayag ni Hung ang bagong dinastiyang T’ai-p’ing T’ien-kun o “Heavenly Kingdom of Great Peace” at inangkin ang katawagang “Heavenly King”.

Ang kanyang naging miyembro sa grupo ay umabot sa libong katao at naging disiplinadong mga army. Yumakap siya sa Kristiyanismo at ipinaglaban ang pantay-pantay na pag-aari sa lupain at pagkaapantay-pantay sa pagitan ng mga kababaihan at kalalakihan. Siya ang namuno sa tinatawag na .


Ang pag-aalsa at labanan ay lumaganap sa buong bansa at ang Chinese imperial troups ay nagapi sa isang labanan. Sa loob ng 10 taong pag-aalsa laban sa Machus, nakubkob ni Hung ang siyudad ng Naking at ginawang kapitolyo.

Kalaunan, nagkaroon siya ng karamdaman at nagpatiwakal noong 1864.  May tala namang kumain siya ng damo na inari n’yang mana mula sa kalangitan at natuluyan sa pagkalason sa pagkain.

Ang mga puwersa ng Chinese forces ay lumusob sa Nanking at pumatay ng 100,000 katao. Lalo pang lumaganap ang rebelyon at umabot sa 20 milyong katao ang nasawi dahil dito. Walang naganap na katapusan ng mundo batay sa kanyang pangitain na magaganap umano sa kasagsagan ng rebolusyon. (Brit 1977, Vol 8).