Noong bata pa lalang ako, mahilig na akong magbasa ng mga kuwento, prosa, artikulong tungkol sa literatura, komiks at mga magasin na naglalaman ng mga literaturang gaya ng maikling kuwento, tula, nobela at komiks.
Isa sa pinangarap ko noon ay ang makapagsulat sa nangungunang lingguhang babasahing magasin sa bansa na LIWAYWAY. bagama't gustong-gusto ko noon na magpadala ng aking kuwento sa patnugutan nito, nahihiya at ako at natatakot. Kasi, baka ma-reject lang. Hinog na baga ang isang 16-anyos na nahihilig pa lamang sa pagsusulat? may karapatan kaya ang gaya ko na magsulat kako sa matikas na magasing iyon na uminog na bago pa man ako isinilang, ni bago pa isilang ang aking mga magulang? Meron siguro... pero higit ang hindi.
Nakahihiyang humanay ka sa mga batikang manunulat ng nasabing babasahin na nagka-uban na sa pagsusulat. Ang nakatutuwa, ang mga iniidolo kong mga manunulat at dibuhista sa komiks ay naging bahagi ng magasing iyon. Dumating ang panahong lumakas ang aking loob at nagsumite ako ng aking kuwento sa e-mail ng nasabing magasin. Sa awa ng Diyos, pumasa ang ilan sa panlasa ng patnugot.
Wala akong pagsidlan ng tuwa dahil ang malathala ang iyong kuwento sa institusyong magasin na naglalathala ng mga magagandang literatura't akda ay isa nang karangalan. Para na rin akong nanalo sa Gawad Carlos Palanca. Narito po ang ilan.
Ang Kuwentong " Impong Silas" na nalathala sa Liwayway Magasin noong taong Hunyo 2009. Sa nasabing taon ako tumutok sa pagsusulat ng kuwento at nobela lalo na s amga pahayagan.
Ang Maikling Kuwento na " Ang Panata Ni Delfin" ( Delfin's Oath) na nalathala noong Mayo 2013.
Ang Kuwentong " Minsan, May Isang Batang Bulag ( There Was A Blind Boy).
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento