Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Agosto 28, 2014

BA’T DI PWEDENG MAGKA-SNOW SA PINAS!




Snow, wow, bet na bet ito kapag palapit na ang Yuletide season o Pasko. Kapag kasi may snow, feel na feel ng mga taong nasa Kanluranin partikular sa US ang panahon ng  taglamig kapag umuulan ng snow. Teka, ba’t napag-uusapan uli ito? Naisingit lang po! Sa mga kanugnog bansa natin sa Asya gaya ng Vietnam, aba’y umulan sa kanila ng snow. Kaya, marami din ang nagwi-wish na sana raw ay umulan ng snow sa Pilipinas. Teka… teka, alam ba ng mga ito ang pinagsasabi nila? 

Tropikal country tayo kaya di bagay ang snow rito. Ako man noong bata ay wish kong mangyari ito. Pero, dahil sa nakikita kong pailing-iling si lolo Igme nun sa palayan ‘e parang ayoko na. Bakit ko nasabing ayaw kong magka-snow sa Pinas? Kung marami itong signipikans kuno; naku, mas marami itong dis-adbanteyds sa ating bayan. Iisa-isahin ko para matauhan ang iba dyan na gustong umulan ng snow sa Pinas.


-         Una, sagabal ito at magiging pasaway sa mga magsasaka. Papaano ka magtatanim ng palay kung puno ng snow ang palayan. Pati hayop magkakasakit ng pulmunya.
-          Oo nga’t tipid sa aircon dahil malamig. Kaso, baka mauso ang pulmunya, trangkaso, at sipon. Baka mauso ang pagtitinda ng halo-halo na galing ang yelo sa snow.

-     Madulas ang lansangan at tiyak na trapik. Matetengga ang mga sasakyan. Magmamahal ang gasolina, gas, at pati uling.

-       Kakaunti ang magche-check-in sa mga hotel at motel. Puwede na kasi sa bahay magloving-loving. Uunti rin ang pupunta sa mall para magpalamig kapag nagwi-window shopping. Uunti ang sales, malulugi ang negosyo. Malamang na magkaroon ng lay-off sa mga empleyado. Kapag marami ang natanggal, marami ang mawawalan ng trabaho. Kapag ganun, darami ang tambay na mawawalan ng raket. 

   Kapag walang raket ang tao, alang pera at baka maisip gumawa ng masama. Kapag nagkagutom, talo-talo na at baka pasukin ang mga malls para kumuha ng groceries. Mga prends, tuloy na tin ang usapang snow sa susunod na isyu.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento