Mga Kabuuang Pageview

Martes, Oktubre 7, 2014

ALL OPM SONGS NA ANG PATUTUGTUGIN SA PINAS FM 95.5


(photo credit: www.pinasfm95.5)

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng FM radio sa bansa, pawang mga kantang likha ng mga mang-aawit na Pilipino ang patutugtugin sa istasyong  DWDM Pinas Fm 95.5. 

Ang naturang istasyon ay sumusuporta sa industriya ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit anupa't karamihan sa pinapatugtog na mga awitin ay pawang Original Pilipino Music (OPM). At ngayon ngang buwan ng Oktubre, tutok na ang Pinas FM 95.5 sa pagpapatugtog ng kantang Pilipino sa buong oras ng kanilang pagsasahimppapawid, 24/7. Nangangahulugang, hindi makakaporma ang mga awiting mga banyaga sa nasabing istasyon. 


(photo credit: www.pinasfm95.5)

Layun ng pagkilos at programang ito ng istasyon na mapalakas pa ang tugtugang Pinoy na napapansing humihina sa nakalipas na dekada, dahil sa pmamayagpag ng mga awiting banyaga. Subait sa ngayon, panahon na aniya upang mamayagpag sa ating sariling bayan ang awiting Pinoy. Bukas din ang naturang radio station sa pagtuklas ng bagong talento at himig ng mga aspiring singers, na nagnanais na maibahagi ang kakayahan sa larangan ng musika. na magbibigay dana naman s amga bagong mang-aawit at mga awitin na mabibigyang pagkakataong maisa-himpapawid sa nasabing radio station. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento