Ang aktor na si
Nicolas Cage at ang larawan ng lalaking nabuhay noong Civil War Era (1870).
Giit ng nagbebenta ng litrato na si Cage din ang lalaking ito. (www.youtube.com)
May hiwaga raw umano sa pagkatao ng sikat na actor na si Nicolas Cage.
Na siya raw ay maaaring isang bampira. Sige limiin natin kung bakit tinuran ito
ng ilan. May isa kasing larawan ng isang kelot sa Civil War era na noong taong 1870, ang hawig sa hitsura ng aktor. Kung kaya, may
sitsit na si Cage ay isa raw may genes
ng real-life vampire.
Iniugnay kasi ito nang gumanap ang aktor sa pelikulang “Vampire’s Kiss”
at gumanap naman ng demonic role pero bida sa pelikulang “Ghost Rider”. Ngunit,
ang kanyang koneksiyon sa mga bloodsucking species ay nagtatapos na lamang
doon.
Pero, hindi sa kelot na si Jack Mord na isang antiques dealer, na kung
saan nagpost ng isang larawan ng isang lalaki ibinebenta sa eBay. Ang lalaking
ito ay mula sa Bristol, Tennessee. Sabi ni Mord, ang lalaking ito ay may
kaugnayan kay Cage o malamang na siya rin mismo.
Naniniwala si Mord na si Cage ay isang bampira na pinananatiling bata
ang kanyang hitsura kada 75 taon, o mas maaga pa rito sa pamamagitan ng
pag-inom ng dugo. Isa sa mga ebidensiya ni Mord tungkol dito ay ang isinulat ni
Cage sa isang social networking site na agad din nitong binura. Ang nakalagay
doon na isinulat ni Cage ay:
“150 taon
mula ngayon, maaaring isa na akong politiko, lider ng isang kulto, o kaya naman
isang talk show host.”
Sinabi rin ni Mord na ang 50-anyos na ngayon na aktor ay halos di rin
nagbago ang mukha sapol pa noong gawin nito ang pelikulang “Moonstruck” noong
taong 1987. Hamon niya, pagkumparahin ang larawan noon ni Cage at ihambing ito
sa ngayon. Halos ganun pa rin aniya ang mukha niya.
Si Mord na siyang nagbebenta ng antigong larawan umano ni Cage ay
hinamon ang sinumang interesadong bumili sa larawan ng aktor noong taong 1870,
na suriin ang naturang litrato sa pamamagitan ng facial recogniziton
software.kapag in-eksaminin daw ang
orihinal na larawan ay mapapatunayang ang kelot na nasa larawan at ang aktor ay
iisa lamang.
Ang litratong lumabas, 3 taon na ang nakararaan, ay may presyong 1
milyong dolyar. Subalit, sinupalpal ng ilang vampire expert ang pahayag ni
Mord,. Hindi aniya iyon si Cage, at kung siya man ay hindi maaaring kuhanan ng
larawan ang isang bampira.
At kahit litratuhan mo ang isang bampira, blangko ang lalabas sa frame
kapag na-developed na raw ito. Ayon sa mga eksperto, kamukha lang ni Cage ang
lalaki sa Civil War Era photo.
Gumigimik lamang daw si Mord para kumita at sumikat.
Kaya napapanatiling bata ni Cage ang kanyang hitsura ay dahil dumaan ito sa
face lift. Nariyang kinopya nito ng pasimple ang hitsura ni Gene Wilder na
sikat na aktor noong dekada 60 at 70 para maging bankable aktor siya sa
Hollywood
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento