Mahilig ka bang magbasa ng kuwento? Kung oo, ano naman ang pinakagusto mong tema? Well, depende 'yan sa tao. Kasi, iba-iba ang panlasa ng bawat isa. May gusto ng horror o mga kuwentong kababalaghan, mayroon namang action at adventure, o iba 'e romantic comedy o kaya drama, yung iba 'e suspence thriller, may gusto ng talambuhay ng mga sikat na tao ( anekdota).
Bilang isang manunulat, masasabi kong kulang pa ako sa mga sustansiya, ng mga pasikot-sikot sa plot. Mahirap atang gumawa ng plot na kakaiba sa lahat. Kaya, kung gagawa ako ng kuwento, sinisiguro kong magugustuhan ng madla. Kung hindi, durog.
Buweno, na-engganyo akong maging writer sa Wattpadd na sinasabing bagong paglalagyan ng iyong mga akda. Kailangang in o nasa uso ngayon ang peg o teme ng susulatin mo. Iba na kasi ang panahon noon kaysa sa ngayon. kaya, naisip kong magandang rarget na readers ay di lang pangkalahatan. Kundi, 'yung bumubuo ng mas maraming bilang ng populasyon ng bansa... o ng mundo pa nga. Ang mga kabataan. Kapag sila ang tumangkilik ng iyong mga akda, tiyak na buhay at sisigla ang iyong karera sa pagsusulat. Napatunayan ko na kahit isa ka pang mahusay na writer, pupuwede ka palang daigin ng isang bata. ( Wala naman akong sinasabing magaling ako! :)
Napansin ko lang sa Wattpadd, madaling basahin ang mga akda rito, pero di mo puwedeng kopyahin. Mainam.
Kaya naisipan ko na ring magsulat ng mga kuwneto ko rito. Sa gayun ay mapansin. Salamat naman at may mga nagbabasa ng gawa ko na malayong-malayo sa isinusulat kong tema noon. Ngayon ko napatunayan na iba talaga ang hatak ng Love Story, yung talagang pampakilig talaga. Kapag kasi kinilig ang mga bagets, tiyak na patok ang akda mo. katunayan, ang ilang serye sa telebisyon, maging ng sa pelikula ay hango sa mga kuwento sa Wattpadd.
Mantakin mo, kapag ginawang pelikula ang isang akda WP, tiyak na patok 'yan sa takilya, ( siyempre, ayos din dapat ang gaganap na artista). Unang-unang tatangkilik d'yan ay yung fans ng Wattpadd. Halimbawang ang isang akda ay na ginawang movie, na mayroong 5 milyong readers ( yung di paulit-ulit o kada indibidwal ang count) , itong reader na to, ang manonood ng pelikula. May instant 5 milyon na agad ang manonood ng movie.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento