Mga Kabuuang Pageview

Sabado, Oktubre 4, 2014

MISTERYO SA KAMATAYAN NG TATLONG PAMOSONG JUAN



 
Jerusalem, Israel- Sa loob ng nakalipas ng 2,000 libong taong pag-inog ng panahon, tatlong Juan o mga personalidad na may pangalang “John” ang nakilala ng mga tao sa kasaysayan.

Ang mga naturang personalidad ay nabuhay sa magkakaibang panahon at henerasyon. Pero, ang nakakatawag pansin sa mga dalubhasa’y bukod sa magkakapareho sila ng pangalan, ay pareho  rin sila ng senaryo ng kaniya-kaniyang sinapit na kamatayan.
Sila’y pinaslang sa pamamagitan ng pagtira sa kanilang sentido o ulo. At ang kakatwa dito, may time pattern din na akmang lumabas sa pagkakapaslang sa kanila na ikinagulat ng mga numerologist at historian sa Jerusalem. Si John (the Baptist) ay pinugutan ng ulo samantalang ang dalawa (sina Kenneny at Lennon) ay nabaril sa ulo.

Pinag-aralan ng mga Bible scholars na namatay si John (the Baptist)  tinatayang noong 29 A.D. Ang misteryo sa numerology ay iniugnay dito at ikuwenta,  kung saan ang pagitan nito ay siya ring kamatayan ni John F. Kennedy hanggang kay John Lennon. Aniya, may pitong panahong siklo umano ang mundo o mismong panahon. Mula sa 29 A.D ay gagamit tayo Tetra numerology na kung saan ay gagamit ng substraction. Para makuha kung anong panahon lilitaw ang isang John (tumutukoy kay Kennedy) at kung kailan ito mapapaslang.

Ayon sa sikat na numerologist na si Mustafa Ellahee at  isa ring medical palmist ng bansang Pakistan, kapag numero ang pag-uusapan, puwedeng i-konekta ang buhay ng tatlo. Para matukoy kung anong taon mapapaslang ang isa pang John ay ginamitan ng Basic Kabbalah numerology substraction method, kung saan ang 29 A.D ay ibabawas ang 2 sa 9 at ang sagot ay 7. At dahil sa ang numerong 9 ay siyang supreme single digit number ay i-mu-multiply lamang ito sa 7 kaya lalabas na 63 ang sagot. Ganito rin ang ibinigay na patter ng

Sa sagot na 63,  i-a-add lang ito na 6+3 at lalabas uli ang 9 para makuha ang buwan kung kailan mapapaslang si Kennedy. Bale 29- 9 =20- 9=11. Kaya lalabas na 11 ang sagot na papatak na sa buwan ng Nobyembre. Sa pagkuha sa araw, babatay tayo sa scale number na 29 uli. Bale, ibabawas lang sa 29 ang  numerong 7 na siyang pitong inog ng panahon o time,  (bale 29-7=22). Kaya ang petsa ng kamatayan ni Kennedy ay may code na 11-22-63 na lumabas na Nobyembre 22, 1963 kung saan ay siyang petsang  pinaslang ang presidente ng U.S na binaril sa sentido ni Jack Ruby.

Kasunod ng sirka ng pagkamatay ni Juan Bautista hanggang kay Kennedy, matutukoy naman ng J-pattern na sinusunod ni Abrum para malaman ang petsa na akma nga sa kamatayan ng miyembro ng Beatles na si John Lennon.

Bale, mula 1963 (code year 63) ay idadagdag lang natin ang makukuhang numero mula sa circa o sa nakalipas na death scenario na lumipas na. At dahil sa dalawa na ang naganap na ganito, ang 29 na scale number na siyang simula ng death pattern ay babawasan lang ng bilang 2 dahil tapos na ang sirka nina Bautista at ni Kennedy. Bale ganito, 29-2 (Baptist-Kennedy mark)=27 At dahil pagkatapos ng siklong number 9 ay 10, ibabawas ito sa lalabas na numero. Bale, 1963+27-10= 1980.

At dahil sa buwan ng Nobyembre pinaslang si Kennedy, magdadagdag tayo ng isang buwan (dahil continuation ito ng number pattern) at sa araw naman ay ang numerong 9 ay babawasan ng isa. Bale 11+1=12 (month), 9-1=8. Kaya pumatak nga na Disyembre 8, 1980 pinaslang si John Lennon na binaril ng isang panatiko sa ulo sa New York City.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento