Ang misteryosong ahas na lumitawsa obra ni Queen
Elizabeth I.
Alam ba ninyo ang grupong Illiminati? Isa na nga sa pinaghihinalaang kasapi rito ay
ang Royal Family sapol pa noong Victorian Era o ika-16 siglo. Ating ilalahad
ang isang misteryo na kung saan ay patunay umano na ang reynang si Elizabeth 1 ng Englateraen
ay miyembro ng sinabing agenda at nagtataglay din ng
Reptilian Bloodline.
Isang ulupong nga sa isang painting
nito ang nadiskubre na kung saan ay hawak-hawak pa ng naturang reyna noon ng
Inglatera.
Iyon umano ang nakita sa orihinal na pinta ng Tudor Monarch’s.
Subalit, nang matuklasan ito ng mga kinauukulan, binago nila ang nakalahad na
ahas at tinatapakan ng ibang pinta. Kung kaya, ang hawak na ahas ng reyna ay
pinapalitan sa isang pintor ng punpon ng mga rosas.
Subalit, sa paglipas pa ng mga panahon, ang
tinapakang pintang ahas ay lumalabas pa rin at lumilitaw minsan. Ang kumukupas
nang “bunch of roses” na ipinatapal sa orihinal na pintang ahas ay di
mapigilang mahayag na. Anupa’t ang ulupong na lumitaw noon sa obra ay unti-unti
nang lumilitaw. Ang naturang obra ay ipininta ng hindi pamosong pintor noong
taong 1580’s o kaya’y noong taong 1590’s.
Ang imahe ay hindi na inilagak at
naka-display sa London gallery sapol pa noong taong 1921. Ngunit, naging bahagi
ang obra sa isang exhibition na may pamagat na Concealed and Revealed: “The
Changing Faces of Elizabeth I” noong ika- 13 ng Marso hanggang ika-26 ng
Setyembre taong 1921.
Ang ahas ay sinasabing sumasagisag umano sa
karunungan o katalinuhan, pagka-maingat, at makatarungang paghatol. Ngunit, ang
mas pinapaborang pagka-masagisag nito ay patungkol kay Satanas at sa mga
kasalanan.
(www.independent.uk.com)
Inihayag ng art gallery naang pagpapatanggal
sa nakapintang ahas ay dahil umano sa masamang simbolo nito. Anila, ang ahas ay
nakapinta ng kulay itim ngunit may halong greenish blue ang kaliskis nito.
Ipinagtataka nila kung papaano naipinta ang ahas gayung wala naman sa orihinal
na plano ng pintor na ipinta ito. Ni hindi umano nito intensiyon na ipinta ang
naturang reyna ng Inglatera. Ngunit, sa lumabas na X-ray photography, lumalabas
na si Queen Elizabeth 1 nga ang nasa obra dahil sa gayak ng isang babae na
parang reyna.
Batay pa sa masusing pagsusuri, ang naturang
obra ng orihinal na pintor tungkol sa hindi kilalang babae ay hindi talaga
natapos. Ipinagpatuloy lamang ito ng ibang pintor at pinalabas ang obra ng
babae na siya ngang si Queen Elizabeth I. ito rin umano ang nalagay ng ahas sa obra
na kung saan ay hawak ng reyna. Ang isang malaking palaisipan dito, sino ang
nagpinta sa kulay itim na ahas? Malamang na isa nga ito sa sinasabing Reptilian
Agenda.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento