Mga Kabuuang Pageview

Linggo, Mayo 24, 2015

MABUTING DULOT NG GRAPE SEEDS





Ano nga ba ang mabuting dulot ng Grape Seeds? Ang Proanthocyanidin Power Grape Seeds ay mayroong bioflavonoid na kilala bilang proanthocyanidin. Kamakailan lamang ay natuklasan na ang proanthocyanidin ay dalawampung beses na mas malakas kaysa sa Vitamin C at limampung beses na mas mabisa kaysa sa Vitamin E at Beta Carotene. 


Alam nyo bang habang nagkaka-edad tayo ay kumukunti ang anti-oxidant sa ating katawan na siyang lumalaban sa mga free radicals ( ang free radicals ay isang reactive chemical compound na siyang may potensyal na sirain ang ating human DNA ). Dahil dito, tumataas ang tsansa nating magkaroon ng mga malulubhang karamdaman. 


Ang Grape Seed Extract ay rekomendado ng mga doktor sa Europa sa kanilang mga pasyente na nais makaiwas o nais gumaling sa mga sakit gaya nang cardio vascular diseases, water retention, arthritis, varicose veins, at collagen damages. Dahil sa masusing pag-aaral, sa Estados Unidos ay isa na itong dietary supplement na hindi na nangangailangan pa ng preskripsyon para ito mabili. Ang Grape Seed Oil Extract ay talaga namang mabisa at ligtas gamitin.


May mabuting dulot din ang pag-inom ng Grape Seed Oil Extract kung ikaw ay dumaranas o nais makaiwas at makagamot sa allergies ,asthma, blood clots, cataracts, wrinkles, tumor formation, stretch marks, teeth and gum healing, night vision at hair loss. Sa ngayon ang grape seed oil extract ay mabibili na sa softgel capsule form para mas madali mo itong mainom.

ANTIBODIES SA GATAS NG BAKA, PANLABAN SA HIV





Umiinom ba kayo ng gatas ng baka? Mainam kung gayun. Mayaman sa Calcium ang naturang gatas at Bitamina D. Pero, sa makabagong pananaliksik, nagulantang ang mga researchers sa Melbourne University tungkol ditto. Na ang gatas pala ng baka ay maaaring protektehan ang isang tao sa HIV. Ipinakita nila sa isang eksperimento na ang mga baka ay maaaring gamitin upang makalikha ng antibodies laban sa HIV o Human Immunodeficiency Virus. 


Kaugnay dito, ang mga researchers sa Pamantasan ng Melbourne ay nakikipagtulungan sa Australian biotechnology company na Immuron Ltd. Upang makalikha ng gatas, ang team pinangungunahan ni Dr. Marti Kramski ay nagbigay ng bakuna sa mga pregnant cows na mayroong HIV protein at pinag-aralan ang unang gatas na malilikha ng mga ito pagkatapos na magluwal. 


Ang unang nakolektang gatas na tinatawag na Colostrum ay karaniwang mayaman sa antibodies na nagbibigay proteksiyon sa bagong silang na calf sa impeksiyon. Ang mga nabakunahang mga baka na lumilikha ay HIV antibodies sa kanilang gatas. Ang HIV-inhibiting antibodies mula sa gatas ay maaaring ma-develop sa cream na tinatawag na Microbicide na nilalagay sa puwerta pagkatapos ng intercourse upang ma-protektahan ang mga kababaihan sa Sexually Transmitted Infections. Ang karagdagang Microbicides ay nililinang pa sa ngayon sa buong mundo. 

Gayunpaman, ang nasabing antibodies sa naturang pag-aaral ay madali at mas mura upang malikha na makakapagbigay sa HIV prevention. Sa ngayon, mga nasa 30 milyong katao sa daigdig ang mayroong HIV at wala pang mabisang epektibong bakuna kontra rito. Ipinaliwanag ni Dr. Kramski na ang makakokolekta na sila ng antibodies sa HIV surface protein mula sa gatas ng binakunahang mga baka. 


Sinubukan nila ang nasabing antibodies at natuklasan na ang gatas na may Colostrum ay tinutunaw ang virus na pumapasok sa sellula ng tao. Umaasa sila na ang anti- HIV milk antibodies ay makakagawa ng user friendly female-controlled, ligtas at epektibong sangkap sa pagsugpo ng sexually acquired HIV infection. Ang nasabing pag-aaral ay sinuportahan ng Australian Centre for HIV and Hepatitis Virology Research at ng NHMRC at nalathala sa journal ng Antimicrobial Agents and Chemotherapy.

DIET NA PUWEDE SA MAYROONG PELIZAEUS- MERZBACHER DISEASE (PMD)




Karaniwang alam natin na masama sa katawan ng tao ang pagkaing mayaman sa cholesterol. Lalo na yung mga mamantikang pagkain. Kung kaya, nalilimitahan natin ang pagkain ng masasarap dahil kadalasan, ito ang mayaman sa cholesterol. Pero, alam nyo ba na mainam sa isang tao na mayroong Lethal Genetic Disorder o Pelizaeus- Merzbacher disease (PMD) ang kumunsumo ng pagkaing mayaman sa cholesterol. 

Ang PMD ay pumipinsala sa utak na una nang natuklasan sa mga bubuwit. Ito ay isa sa maraming uri ng Leukodystrophies kung saan ang mga nagdurusa rito ay nagkakaroon ng problema sa pandinig dulot ng kondisyong kakulangan ng Myelin Sheath sa nerve sa utak ng isang tao. Kapag malala na ang kondisyon ay nagkakaroon na ng problema sa pagkilos at pakikipagtalastasan ang isang mayroong PMD. Bagama’t hindi naman masasabing nakamamatay na karamdaman ay mabuti nang agapan o lunasan ang PMD sa pamamagitan ng pagkunsumo ng High Cholesterol Diet. 


Nakatutulong ang mga naturang pagkain upang mapataas ang bilang ng Myelin Sheath sa nerves ng mayroong PMD batay sa mananaliksik mula sa Max Planck Institute of Experimental Medicine sa bansang Germany. Batay sa isinagawang eksperimento sa mga daga na mayroong PMD, umigi ang kondisyon ng mga ito nang pakainin nila ng hamburger, fries, pritong itlog, hotdog, mani, patties, ham, at sausage. 


Isinagawa naman ang unang trial sa sa mga batang may edad 5- 12 taong gulang at mga matatanda na mayroong PMD. Pinakain sila ng mga naturang pagkain. At pagkalipas ng ilang ara o anim na linggo, sumigla ang pagkilos ng mga bata at hindi na gaanong utal at medyo nabibingi. 


Pero, ayon sa mnga dalubhasa, bagama’t hindi tuwirang nagagamot ng dietary cholesterol ang mayroong karamdamang PMD, maigi na rin aniyang panlunas ito kahit papaano sa mayroong mga depekto. Kung wala ka namang PMD ay huwag ka nang kumunsumo ng mga pagkaing mayaman sa cholesterol at baka tumaba ka at tumaas ang blood pressure mo. 




VENOM MULA SA GAGAMBA, MAARING LUNAS SA ERECTILE DYSFUNCTION





Photo Credit: tntmagazine.com



May ilang gagamba ang masasabing makamandag. Sa isang kagat lang ng mga ito, tiyak na may kalalagyan ka. Pero, alam nyo ba na ang isa sa pinaka-deadliest spider sa mundo ay maaring makapanumbakik ng kaligayan ng isang lalaki! Lalo na yung di na tinitindigan ng kanilang bataan o may erectile dysfunction.



Ito ang natuklasan ng mga researchers sa Brazil at naniniwala sila sa ang toxins mula sa Brazilian Wandering Spider o Phoneutria Nigriventer ay nalulunasan pala ang erectile dysfunction sa loob ng 20 minuto kapag ipinasok sa sistema ng isang kauri ni Adan.


Pero, baka iisipin ng ilang kelot na may problema sa kanilang pagkalalaki, may edad na o talagang seryosong sakit na ang ED ay okey lang na magpakagat sa naturang gagamba para ma-solve ang problema. Huwag po ninyong gawin ito at baka matigok kayo. Marami nang tao ang namatay sa Brazil dahil sa kagat ng Wandering Spider sa loob ng isang oras. May isina-alang-alang na proseso para rito.



Upang patunayan ang pag-aangking ito, ang mga mananaliksik sa bansang Brazil at estados Unidos ay nagsagawa ng experiment sa mga daga. Kumuha sila ng toxin o tinatawag na PnTx2-6 sa naturang gagamba ay itinarak sa mga daga na mayroong erectile dysfunction. Natuklasan ng mga researchers na ang naturang toxin ay napagbuti ang performance sa pamamagitan ng pagpapalabas ng nitric oxide na nakakabuhay ng dugo sa male genitals sa pamamagitan ng blood vessels wax relax.



Ang nitric oxide ay napapasigla ang blood vessels at pinapaigi ang daloy ng dugo sa ari ng lalaki kung kaya puwede nang mag-flag ceremony. Ang bisa nito ay gaya ng bias ng Viagra, Cialis at Levitra. Gayunpaman, di pa rin napatunayan na lubhang mabisa ang mga naturang gamot sa lahat ng pagkakataon kapag kinakailangan. Ang matindi, ay nagkakaroon ng komplikasyon sa puso ang mga kalalakihang gumagamit nito.
Sa ngayon ay maiging pag-aaral pa ang isinasagawa sa PnTx2-6 para ligtas kapag isinalin sa sistema ng tao. Kinakailang may ihalo ritong sangkap para di maging banta sa buhay ng tao.