Mga Kabuuang Pageview

Linggo, Mayo 24, 2015

DIET NA PUWEDE SA MAYROONG PELIZAEUS- MERZBACHER DISEASE (PMD)




Karaniwang alam natin na masama sa katawan ng tao ang pagkaing mayaman sa cholesterol. Lalo na yung mga mamantikang pagkain. Kung kaya, nalilimitahan natin ang pagkain ng masasarap dahil kadalasan, ito ang mayaman sa cholesterol. Pero, alam nyo ba na mainam sa isang tao na mayroong Lethal Genetic Disorder o Pelizaeus- Merzbacher disease (PMD) ang kumunsumo ng pagkaing mayaman sa cholesterol. 

Ang PMD ay pumipinsala sa utak na una nang natuklasan sa mga bubuwit. Ito ay isa sa maraming uri ng Leukodystrophies kung saan ang mga nagdurusa rito ay nagkakaroon ng problema sa pandinig dulot ng kondisyong kakulangan ng Myelin Sheath sa nerve sa utak ng isang tao. Kapag malala na ang kondisyon ay nagkakaroon na ng problema sa pagkilos at pakikipagtalastasan ang isang mayroong PMD. Bagama’t hindi naman masasabing nakamamatay na karamdaman ay mabuti nang agapan o lunasan ang PMD sa pamamagitan ng pagkunsumo ng High Cholesterol Diet. 


Nakatutulong ang mga naturang pagkain upang mapataas ang bilang ng Myelin Sheath sa nerves ng mayroong PMD batay sa mananaliksik mula sa Max Planck Institute of Experimental Medicine sa bansang Germany. Batay sa isinagawang eksperimento sa mga daga na mayroong PMD, umigi ang kondisyon ng mga ito nang pakainin nila ng hamburger, fries, pritong itlog, hotdog, mani, patties, ham, at sausage. 


Isinagawa naman ang unang trial sa sa mga batang may edad 5- 12 taong gulang at mga matatanda na mayroong PMD. Pinakain sila ng mga naturang pagkain. At pagkalipas ng ilang ara o anim na linggo, sumigla ang pagkilos ng mga bata at hindi na gaanong utal at medyo nabibingi. 


Pero, ayon sa mnga dalubhasa, bagama’t hindi tuwirang nagagamot ng dietary cholesterol ang mayroong karamdamang PMD, maigi na rin aniyang panlunas ito kahit papaano sa mayroong mga depekto. Kung wala ka namang PMD ay huwag ka nang kumunsumo ng mga pagkaing mayaman sa cholesterol at baka tumaba ka at tumaas ang blood pressure mo. 




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento