Mga Kabuuang Pageview

Linggo, Mayo 24, 2015

ANTIBODIES SA GATAS NG BAKA, PANLABAN SA HIV





Umiinom ba kayo ng gatas ng baka? Mainam kung gayun. Mayaman sa Calcium ang naturang gatas at Bitamina D. Pero, sa makabagong pananaliksik, nagulantang ang mga researchers sa Melbourne University tungkol ditto. Na ang gatas pala ng baka ay maaaring protektehan ang isang tao sa HIV. Ipinakita nila sa isang eksperimento na ang mga baka ay maaaring gamitin upang makalikha ng antibodies laban sa HIV o Human Immunodeficiency Virus. 


Kaugnay dito, ang mga researchers sa Pamantasan ng Melbourne ay nakikipagtulungan sa Australian biotechnology company na Immuron Ltd. Upang makalikha ng gatas, ang team pinangungunahan ni Dr. Marti Kramski ay nagbigay ng bakuna sa mga pregnant cows na mayroong HIV protein at pinag-aralan ang unang gatas na malilikha ng mga ito pagkatapos na magluwal. 


Ang unang nakolektang gatas na tinatawag na Colostrum ay karaniwang mayaman sa antibodies na nagbibigay proteksiyon sa bagong silang na calf sa impeksiyon. Ang mga nabakunahang mga baka na lumilikha ay HIV antibodies sa kanilang gatas. Ang HIV-inhibiting antibodies mula sa gatas ay maaaring ma-develop sa cream na tinatawag na Microbicide na nilalagay sa puwerta pagkatapos ng intercourse upang ma-protektahan ang mga kababaihan sa Sexually Transmitted Infections. Ang karagdagang Microbicides ay nililinang pa sa ngayon sa buong mundo. 

Gayunpaman, ang nasabing antibodies sa naturang pag-aaral ay madali at mas mura upang malikha na makakapagbigay sa HIV prevention. Sa ngayon, mga nasa 30 milyong katao sa daigdig ang mayroong HIV at wala pang mabisang epektibong bakuna kontra rito. Ipinaliwanag ni Dr. Kramski na ang makakokolekta na sila ng antibodies sa HIV surface protein mula sa gatas ng binakunahang mga baka. 


Sinubukan nila ang nasabing antibodies at natuklasan na ang gatas na may Colostrum ay tinutunaw ang virus na pumapasok sa sellula ng tao. Umaasa sila na ang anti- HIV milk antibodies ay makakagawa ng user friendly female-controlled, ligtas at epektibong sangkap sa pagsugpo ng sexually acquired HIV infection. Ang nasabing pag-aaral ay sinuportahan ng Australian Centre for HIV and Hepatitis Virology Research at ng NHMRC at nalathala sa journal ng Antimicrobial Agents and Chemotherapy.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento