Mga Kabuuang Pageview

Linggo, Mayo 24, 2015

VENOM MULA SA GAGAMBA, MAARING LUNAS SA ERECTILE DYSFUNCTION





Photo Credit: tntmagazine.com



May ilang gagamba ang masasabing makamandag. Sa isang kagat lang ng mga ito, tiyak na may kalalagyan ka. Pero, alam nyo ba na ang isa sa pinaka-deadliest spider sa mundo ay maaring makapanumbakik ng kaligayan ng isang lalaki! Lalo na yung di na tinitindigan ng kanilang bataan o may erectile dysfunction.



Ito ang natuklasan ng mga researchers sa Brazil at naniniwala sila sa ang toxins mula sa Brazilian Wandering Spider o Phoneutria Nigriventer ay nalulunasan pala ang erectile dysfunction sa loob ng 20 minuto kapag ipinasok sa sistema ng isang kauri ni Adan.


Pero, baka iisipin ng ilang kelot na may problema sa kanilang pagkalalaki, may edad na o talagang seryosong sakit na ang ED ay okey lang na magpakagat sa naturang gagamba para ma-solve ang problema. Huwag po ninyong gawin ito at baka matigok kayo. Marami nang tao ang namatay sa Brazil dahil sa kagat ng Wandering Spider sa loob ng isang oras. May isina-alang-alang na proseso para rito.



Upang patunayan ang pag-aangking ito, ang mga mananaliksik sa bansang Brazil at estados Unidos ay nagsagawa ng experiment sa mga daga. Kumuha sila ng toxin o tinatawag na PnTx2-6 sa naturang gagamba ay itinarak sa mga daga na mayroong erectile dysfunction. Natuklasan ng mga researchers na ang naturang toxin ay napagbuti ang performance sa pamamagitan ng pagpapalabas ng nitric oxide na nakakabuhay ng dugo sa male genitals sa pamamagitan ng blood vessels wax relax.



Ang nitric oxide ay napapasigla ang blood vessels at pinapaigi ang daloy ng dugo sa ari ng lalaki kung kaya puwede nang mag-flag ceremony. Ang bisa nito ay gaya ng bias ng Viagra, Cialis at Levitra. Gayunpaman, di pa rin napatunayan na lubhang mabisa ang mga naturang gamot sa lahat ng pagkakataon kapag kinakailangan. Ang matindi, ay nagkakaroon ng komplikasyon sa puso ang mga kalalakihang gumagamit nito.
Sa ngayon ay maiging pag-aaral pa ang isinasagawa sa PnTx2-6 para ligtas kapag isinalin sa sistema ng tao. Kinakailang may ihalo ritong sangkap para di maging banta sa buhay ng tao.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento