Isang pusa mula sa bansang Italya ang naging
ikatlong pinaka-mayamang hayop ngayon sa buong mundo. Papaano ito nangyari?
Pinamanahan lang ng naman ang masuwerteng pusa ng halos ten million euros (o katumbas
ng halos 5.74 bilyong piso o US$15 milyon) nang pumanaw ang mabait niyang amo
na mapagmahal sa mga hayop.
Dahil sa magandang kapalarang dumating sa
pusang nagngangalang Tommasino, tiyak na kaiinggitan siya ng kapwa pusa. At
higit sa lahat, ng mga miron na nakatira sa bansang Italya.
Naiwan kasi sa pusa ang lahat ng ari-ariang
naipundar kanyang among si Maria Assunta na pumanaw noong Nobyembre 2011 sa gulang
na 94-anyos. Ayon sa mga abugado, ipinagkatiwala ni Lola Assunta ang kanyang
mga lupain at ipinamanang lahat ang pag-aari nito sa alagang pusa na si Tommasino.
Masasabing napakasuwerteng pusa nitong si
Tommasino. Bakit natin ito nasabi? Kasi, ay isa lamang siyang pusang gala noon, na kung hindi pa
makagala at pumunta sa mga bahay-bahay ay di siya makaka-tsibog. Walang
permanenteng tahanang masisilungan. Nariyang nagugulpi rin siya sa kalmot at
kagat ng mga pusang tumatangay ng pagkaing pinaghirapan niyang hanapin sa
basurahan at bigay ng mga miron.
Hanggang sa mapadpad ang pusang galang ito sa
malaking bahay ni Lola Assunta. Nang makita ang naturang pusa ng mabait na
lola, naaawa ito kay Tommasino, kung kaya kinupkop na siya nito. Wala namang
kamalay-malay ang naturang pusa kung sino at kung ano ang estado ng kanyang amo
sa lipunan.
Ang naturang matanda ay mayroong napakalaking
property portfolio ng mga bahay at villas sa buong Italya. May malaking bank
account din si Lola Assunta. Sa kabila ng sobrang yaman ng matanda ay wala na
itong mga kamag-anak na nananatiling buhay sa mga panahong ito.
Ang mga abogadang si Ana Orecchioni at
Giacinto Canzona ay nagsabing inihabiling lahat ni Lola Assunta ang kanyang mga
tinatangkilik kay Tommasino batay sa nakasaad
sa kanyang “Last Will of
Testament”.
Ang naturang kasulatan ay inilagak sa
kanilang opisina sa Roma noong Oktubre taong 2009. Ipinaliwanag naman ni
Orecchioni ang nilalaman ng tesmamento sa ilalim ng Italian Law. Na hindi
agad-agad basta mapapasa kay Tommasino ang mga naiwang pera. Siyempre nga
naman, anong malay ba ng pusa sa paggasta ng pera?
Sinasabi din sa testamento na bibigyan ng
pera ang mga Worthy Anilam Association kung mayroon mang masusumpungang
ganitong institusyon sa buong Italya.
Bago namatay si Lola Maria, tinagubilinan
niya ang 2 abugado tungkol sa nurse na nag-aalaga sa kanya na nanganagalang
Stefania. Katulad ng una, mapagmahal din ang huli sa mga hayop lalo na sa pusa.
Si Tommasino ( nasa itaas) kalaro ang pusang alaga ng nurse na si Stephania na nag-alaga kay lola Maria Assunta. (image credit Parikaki.com)
Kung kaya, nag-desisyon sina Orecchioni na si
Stefania ang taong mas karapat-dapat na mamahala ng salaping iniwan ni Lola
Maria, na sa ngayon ay pag-aari ni Tommasino, na masaya na sa isang
palangganang gatas at pagkain ng biscuit. Ayon naman kay Stefania, wala umano
siyang ideya na ganoon kalaki ang naiwang ari-arian ng pumanaw na lola.
Sisikapin niyang alagaan si Tommasino at pamahalaan ang perang namana nito kay
Lola Maria.
Ang naitalang “World’s Richest Animal” ay ang
asong si Gunter IV na isang German Shepherd na nakatanggap ng mahigit 90
million euros (US$138 milyon) , na ipinamana ng namatay niyang among si
Karlotta Liebenstein.
Ikalawa ang Chimpanzee na mayroong US$ 61 milyon at si
Tommasino na ang sumunod dito.
Samantala, sumunod naman bilang pinakamayamang pusang naitala sa mundo kasunod
ni Tommasino ang pusang si Blackie na nakatanggap ng 9 million euros, nang iwan
ng kanyang namatay na among si Ben Rea ang mga ari-arian nito sa kanya noong
taong 1988.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento