Ang isa sa Subway-Riding dogs na si Bruno
habang naghihintay ng tren na masasakyan sa isang
subway station. ( image credit: www.socialphy.com )
Alam naman ng lahat na ang aso ay isa matatalinong
hayop sa ating planeta. Ngunit, ang mga asong kalye sa Moscow ay lubhang
kinabibiliban ng mga siyentipiko roon dahil sa kanilang metro-riding routines.
Araw-araw, ang mga aso na naninirahan sa Moscow at sa iba pang kanugnog na
bayan ay sumasakay sa LRT o MRT para makahanap ng pagkain.
Iyon ang kanilang dahilan sa paglipat-lipat ng
lugar. Pero, mas gusto ng mga asong kalye roon na maglagi sa naturang lungsod. Parang si Cacao ang arrive ng mga ito na isang aso na bumibiyahe sa buong Milan
sakay ng bus. Ang siste, libre sa pamasahe ang aso dahil nagsisilbi siyang
sekyu sa mga pasahero at banta sa mga masasamang loob.
Noong panahon ng Soviet, ang mga aso ay hindi
pinapayagang magtungo sa mga subway stations. Sa kabila na nagkalat ang mga
resto at fastfoods sa buong Moscow, hindi pinahihintulutan doon ang mga asong
pagala-gala. Karamihan sa kanila ay nasa industrial areas, na kung saan ay
naghahanap sila ng pagkain sa mga basurahan. ‘O kaya naman, nagtitiyaga at
naghihintay sa mga dugyot na
pagkaing itatapon ng mga manggagawa sa kanila.
( image credit: didyouknowblog.com)
Ngunit, nang bumagsak ang USSR, nag-iba ang
ihip ng hangin. Ang ilang pook sa Moscow ay naging commercial centers at apartment
complexes, at nagkalat ang mga fast-food carts sa mga lansangan. Karamihan sa
mga asong kalye ay naninirahan sa suburb area. Nagtutungo sila sa Moscow na
kung saan ay marami ang mga dugyot na pagkain. Kapag nabusog na ay babalik na
sila pauwi sa tinitirhan nila tuwing gabi pasakay ng tren.
Pinipili rin ng mga asong kalye kung saang
istasyon sila ng subway pupuwede. Suwerte namang hinayaan lang silang pasakayin. At ang nakakabilib, alam nilang sumakay
at bumaba ng tren. At kapag nasa loob na sila ng tren ay inuukupahan nila ang
bakanteng upuan, inaamoy-amoy ang mga paa ng mga tao, ikinikiskis ang kanilang
ulo sa binti ng mga bata, ‘o kaya naman ‘e
nagdra-drama-dramahan na pinatutulo
pa ang luha sa kanilang mata para bigyan sila ng pagkain. Kapag puno ng tao ang
tren, hindi sila sasakay dahil alam nilang nakaka-abala sila.
Ang ilan naman sa raket ng mga askal ay
tumatambay sa butcher shops at naghihintay na hagisan sila ng buto. Ang iba ay
kumakahol ng malambing upang makatawag pansin, at bigyan sila ng pagkain kahit tinapay lang. Gayunpaman, hindi ligtas ang ilan sa kanila sa mga pilyong mga tao na
kung saan ay binabato sila at sinasaktan.
Isa nga sa kilalang askal na kabilang sa Subway- riding dogs ay si Bruno. Marami ang natutuwa sa kanya dahil mabait siya
at hindi gahaman sa pagkain. Sa
araw-araw ay nakikita ang asong ito sa subway-station at binibigyan ng tirang hamburger at ham
ng ilang pasahero lalo na ang mga bata. May video sa You Tube tungkol sa mga
asong ito na may pinamagatang “The Subway-Riding Dogs” o kaya’y “ Stray
Dogs Life in Moscow”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento