May mga tao o institusyon talaga na naniniwala sa pag-iral ng mga alien.
Sila ang grupong Scientologist. Ayon sa naturang sekta, ang mga kakatwang
nilalang umano ay galing sa ibang planeta na gumagala sa ating dagdig sakay ng
kanilang spaceships. Kung minsan, aksidenteng nakalalapag umano ang kanilang
mga spaceships sa bulkan.
Ang naturang sekta’y mayroong pinaniniwalaang dogma at mitolohiya
tungkol sa mga kakatwang nilalang.
May dalawang paksiyon umano ang mga alien o lahi. Una, ang green aliens
na sinasabing mababait at palakaibigan. Ang hangad nila ay makipagtalastasan sa
tao at wala silang masamang layunin sa planetang mundo. Ikalawa, ang gray
aliens na ang motibo ay maniktik sa ating planeta at may masamang layunin umano
sa tao.
Sinasabi ng naturang sekta, ang mga green aliens umano ay hinahanting o
tinutugis ng gray aliens. Ang mga green aliens umano ay yaong mga fallen angels
na nagbago na o bumait at tumalikod sa simulain ni Satanas. Kung kaya, lumisan sila
sa kanilang tinatahanang rehiyon sa pagitan ng planetang Jupitern at Mars upang
pasimulan ang isang reporma, ang mamuhay ng walang pinipinsalang tao. Ngunit,
ang mga gray aliens umano ay mga tapat na kampon ni Satanas. Kung kaya, nang
tumakas ang green aliens sa rehiyong “Stone of Fire” ay tinugis sila ng kampon
ni Lucifer.
Nangyari umano ito bago pa lalangin ng Panginoong Diyos ang unang tao na
sina Adan at Eva. Nagkaroon umano ng digmaan ang dalawang pangkat na ito ng
aliens. Ngunit, dahil sa mas malakas ang mga gray aliens ay nagapi nila ang
ilan sa mga green aliens. Ang mga labi ng namatay na green aliens na naging
ilado umano sa bansang Siberia ay kinuha ng mga kalaban at itinapon sa mga
bulkan sa bansang Hawaii, na kanilang isinakay sa Xenus galactic cruisers o
sasakyang panghimpapawid o spaceships ni Taning (alastik, may spaceships pala
si Satanas).
Ang naturang sasakyan ay kagaya ng DC-8 maliban lamang sa rocket
engines. Sa ibang tala, naganap umano ang giyera sa kalawan at ang mga iladong
katawan ng mga napatay na gren aliens ay itinapon sa mga bulkan. Si Lord Xenu
ay tawag umano ng gray aliens kay Lucifer.
Isa umanong ebidensiya nang naganap na sagupaan ng dalawang uri ng alien
ay ang mga natuklasang iladong katawan ng mga patay na gray at green alien sa
bansang Siberia.
Dalawang kelot na mountaineers ang nakatuklas ng isang
katawan ng patay na green alien malapit sa Irkutsk, Buryatia, Russia. Ang
totoo, ang naturang erya ay kilalang UFO hotspot at ang kuhang video ng 2 kelot
tungkol sa labi ng frozen green alien ay naging bantog pagkatapos na i-post ito
sa internet. Kung kaya, marami ang naniwala na umiiral o eksistido talaga ang
mga alien.
Naniniwala ang mga UFO fans na ang labi ng natuklasang alien (1133 UFO
alien body) ay naiwan ng kanilang
kasamahan pagkatapos ng isang aksidente gaya raw ng nangyari rin sa Roswell Incident
noong taong 1947.
Ayon sa kelot na si Igor Molovic na naka-diskubre umano sa bangkay ng
green o kaya ng gray alien, hindi umano siya makapaniwala sa natuklasan. Ngunit,
wala naman aniya siyang nakitang bakas ng spaceship. Ang tanging ginawa lalang
nila ay kinunan ng litrato ang katawan ng alien at in-upload ang video sa
internet na nakita na halos ng 700,000 katao sa buong mundo.
Ngunit, para sa mga Cynics (o neutral UFO fans), ang naturang video ay
peke. Ang katawan umano ng alien ay base lang sa modelo ng modernong alien costume.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento