Mga Kabuuang Pageview

Sabado, Setyembre 6, 2014

ANG HIWAGA NG ISLA NG BIMINI!




Ayon kay Dr. Maria Miglietta, ang isla ng Bimini ay pinananhanan ng jellyfish na Turritopsis Nutriculana kung saan ay naglalabas ng stem cells sa tubig dagat. Kung kaya, sinomang tao ang makaligo roon ay makakaramdam ng pagbabago sa kanyang pisikal na hitsura. ( photo cap)

Ang isla ng Bimini ay pinananahanan noon ng mga katutubong Arawak or Taino clans. Ito ay malapit lamang sa bansang Bahamas na sinasabing doon daw matatagpuan umano ng “Fountain of Youth”. Noong unang panahon, isang Arawak chief sa Cuba ang minsang nagdala ng tropa ng mga adventurer at naglayag sa hilagaan upang tuklasin ang magic waters o isla na kung saan mahahanap ang bukal na mahiwaga. Subalit, hindi na sila nakabalik pa.

Noong bukang-liwayway ng paglalayag o “Age of Exploration” noong ika-15 siglo, ang sabi-sabi tungkol sa naturang rehiyon ay laganap kung kaya pabalik-balik doon ang mga European explorers. Maging ang Santo Papa ng simbahang Katoliko ay nagkalat ng balita tungkol dito. Ayon sa mga manlalayag na  nakarating na sa isla ng Bimini, sagana sa natural na elementong Lithium at Sulfur ang bukal. Kahit na sa panahong kasalukuyan, ang mga taong nakaligo na sa pool na kung saan nandoroon ang mineral-lush water ay nagpahayag na sila’y nakadama ng mental at pisikal na pagbabago ( rejuvenation) pagkatapos nilang magtungo at maligo roon.

Noon, ang mga kuwento ng mga manlalayag tungkol sa naturang Fountain of Youth ay nahaluan ng Moorish tales mula sa Islamic Empire Spain na nagsasabi sa karanasan nina Alexander at Al-Khidr. Ang sabi-sabi tungkol sa kanila ay nakarating sa pamosong navigator na si Juan Ponce de Leon. Si Ponce de Leon ay sinasabing interesadong makarating sa isla ng Bimini. Ngunit, Subalit mas nakatuon ang kanyang pansin at layunin sa lupang matitirhan at sa mga kayamanan ng naturang isla.

Ngunit, nang mapakinggan niya ang tungkol sa milagrosong bukal, doon na siya naging interesadong tuklasin ito. Layunin ni Ponce de Leon na malunasan ang kanyang pagiging impotent dahil nais niyang magkaroon ng bagong asawa at magkaroon ng maraming anak. Ngunit, sa kaniyang paggalugad sanaturang isla, hindi niya natagpuan ang naturang fountain. Sa halip, mga ilog, batis, sapa, lawa, ang kanilang natuklasan sa Florida coast.

(Image credit: www.scuba-diving-smiles.com)


Sa kasalukuyang panahon, ang mga eskperto ay lubhang nabagabag tungkol sa ma-alamat na Fountain of Youth. At sa masusing pananaliksik ay natuklasan nila ang maaaring dahilan para mapanatili ang pagiging bata. Ang modernong siyensiya ay nagsasabing ang organismong Turritopsis Nutricula (isang uri ng jellyfish) ay ginagamit ang kanyang stem cells upang ma-reverse ang aging process. Ito umano ay scientifically proven.


Si Dr. Maria Miglietta ng Smithsonian Tropical Marina Institute ,ay nagpahayag na ang naturang jellyfish ay susi upang maagapan ang pagkulubot ng balat at sistema sa panloob at panlabas. Pinapabata nito ang mga tisyu, organ, at selula ng tao o maging ng kanyang sarili mismo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento