Mga Kabuuang Pageview

Martes, Setyembre 2, 2014

ANG LIHIM NA PROPETA NG PRANSIYA (HULING BAHAGI)


Ang totoo, katuwaan lamang ni 12-anyos noon ng batang si Von ang paglalahad ng propesiya. Subalit, itinuturing siya ng mga taga-St. Remy na “Munting Propeta ng Pransiya”. Ito ay sa kadahilanang ang kanyang mga ipinahayag na propesiya kapalit ng mga minatamis at pilak ay nagkaroon ng katuparan pagkalipas ng tatlo o limang taon, pagkatapos n’yang ipahayag ang hula. Noong Setyembre 3, 1572, pabirong hinulaan ni Von na magkakaroon ng digmaan sa dagat kung saan sangkot ang Reimerswaal kung saan ay magagapi umano ng Admiral Boisot ang Spanish fleet. Wala pang isang taon ang nakalilipas, natupad ang hulang ito kung saan ay naganap nga ang digmaan noong ika-29 ng Enero 1573.
Inihayag din ni Von na magiging hari ng Pransiya si Henry III bilang kapalit ni Charles IX. Naganap ang katuparang ito noong Pebrero 13, 1575 kung saan ay kinoronahan ang kelot sa katedral ng Reims. Kasabay din nito ang pag-iisang dibdib ni Henry III kay Louis de Lorraine-Vaudemont. Hinulaan din ni Von na magkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng Romanong Katolikong Simbahan sa Pransiya at ng mga Huguenots na naganap noong Nobyembre 8, 1575.
Dahil sa mga kaganapang ito, marami ang kumukuha ng serbisyo ng bata upang hulaan ang kanilang kapalaran. Lalo na ang mga nanunugkulan sa lipunan. Nakarating kay King Henry III ang balita na may batang propeta sa St. Remy. Nakarating ang ulat ng 22-anyos na hari na nagpahayag si Von na hindi siya magtatagal sa trono bilang Duke ng Lithuania at hari ng Poland.
Pero, magiging hari naman ng Pransiya. Ngunit, ang isang kagila-gilalas na lihim ang inihayag ni Von na may isyu sa seksuwalidad ng hari. Na noong hindi pa ito hari ng Pransiya ay nasangkot ito sa same sex relations sa kanyang Mignons o sa mga opisyales ng korte. Pinatunayan ng iskolar na si Louis Crompton na ginawa nga ito ni Henry.
Marami rin aniyang kabit ito. Hinulaan din ni Von na maghahari lamang si Henry III sa Pransiya ng 14 taon dahil mamamatay ito. Ang pahayag na ito ni Von noong Mayo 1577 ay ipinarating ng mga mensahero sa palasyo sa hari. Hindi ito pinaniwalaan ng hari. Hindi raw siya naniniwala sa propeta at iginiit lamang na ang mga hula ng bata ay katuwaan lamang.
Noong kanyang kaarawan noong Setyembre 19, 1578, inimbitahan ng ni Henry III ang pamilya ni Von na noon ay 18 taon gulang na siya. Dahil sa nalaman ng hari na si Von ay isang kapanalig sa pananampalatayang Huguenots, binigyan n’ya ito ng kaloob gaya ng damit at mamahaling kagamitan. Ngunit, binalaan siya ng binata na mag-ingat sa taksil na tauhan lalo na ang isang monghe, si Jacques Clement ang tinutukoy dito ng bata.

Noong Agosto 1, 1589, nangyari ang tinuran ni Von noong inihahanda ng hari ang kanyang tropa sa Saint Cloud upang umatake sa Paris, sinaksak ng sundang sa sikmura ni Clement si Henry III. Nang malaman ito ng mga kawal ng hari, piƱata nila si Clement. Namatay ang hari kinaumagahan nang ilulunsad na niya sana ang pag-atake sa Paris, kung kaya, inihinto muna ito. Pumalit sa kanya si Henry III ng Navarre bilang Henry IV bilang bagong hari. Si Henry IV ang unang hari mula sa House of Bourbon. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento