Mga Kabuuang Pageview

Sabado, Setyembre 27, 2014

ANG PAMBIHIRANG TALON NA NAGLILIYAB ANG TUBIG




Ang “Horsetail Firefall” na nagmimistulang apoy ang tubig na bumabagsak mula sa itaas ng talon.

Sa ating Lupang Hinirang, may ipinagmamalaki tayong mga talon o falls gaya ng Pagsanjan sa bayan ng San Pablo, Laguna at Maria Cristina naman sa Iligan Province. Talagang isang magandang anyo ng kalikasang yamang-tubig ang mga talon na kung saan ay napagkukunan din ng enerhiya gaya ng elektrisidad.

Ngunit, kakaiba at kakatwa ang talon ng Firefall ng Yosemite Park sa ibang falls? Bakit kanyo? Kasi, ang tubig na umaagos mula sa itaas at bumabagsak sa ibaba ay parang apoy. Ito ay tinatawag na “Horsetail Fall” na isa sa pinakamagandang talon sa Hilagang Amerika. Ang unang firefalls ng Yosemite Park ay likha ng tao.

Ang malalaking apoy na umaagos ay nagsisimula sa Glacier Point at ang red-hot embers (abo o kaya’y coal)   ay itinutulak paibaba ng granite wall lalo na kapag gabi. Kung kaya, ang tubig ay nagmimistulang apoy na umaagos kung titingnan. Isang napakagandang show of fireworks iyon hanggang sa masunog ang likhang artipisyal na apoy noong taong 1960. Kung kaya, ang napaka-delikadong paraan na ito ay itinigil na ng kinauukulan.

Subalit, hindi pa rin naalis sa naturang talon ang firefall. May mga nakikita pa ring kakaiba ang mga miron doon lalo na ang mga turista na mag-enjoy sa kakamasid ng umaagos na tubig na tila lumiliyab na apoy. Kapag kasi tinatamaan ng sikat ng araw ang tubig na umaagos sa itaas ng talon, kusa itong nagmimistulang nagliliyab na apoy kapag umaagos na paibaba sa granite wall, na siyang nagiging dahilan kung bakit nagiging parang apoy ang tubig. 

Dahil na rin sa mga ulap at mga bagyo, na karaniwan na roon kapag taglamig o winter months, ang estado ng California ay tuyo kung kaya ang Horsetail Firefall ay makikita lamang ng tiyempuhan. Dapat na taymingan ito ng mga tao kung kalian lalabas ang mistulang tubig na apoy sa naturang falls dahil nagyeyelo ang malaking parte nito kapag taglamig.

Para inyo pong ma-enjoy ang kamangha-mangha at nakakabilib na talon, tingnan nyo po ang video nito sa Youtube na may pinagamatang “Horsetail Firefalls”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento