Mga Kabuuang Pageview

Miyerkules, Setyembre 3, 2014

ANG NAKALALASONG ALINDOG NI MARLENE DIETRICH (UNANG BAHAGI)




 
( Image Credit: www.marlenedietrich.org.uk)

Si Marlene Dietrich ay isa lamang sa mga bituin sa pinilakang tabing, at isa  sa naging world’s highest-paid filmstar. Naging bantog ang naturang bebot dahil sa kanyang husky-voiced sexual allure.

Si Marlene ay sinasabing makabagong babae ng kanyang henerasyon. Malaya siyang gawin ang lahat at nagtatampisaw sa tawag ng laman. Gayunman,inamin niyang pangit ang kanyang mga binti at iyon ang kanyang kapintasan. Samakatuwid, sinasabi ng mga kritiko na siya ay isang respetadong pokpok o professional prostitute.

Isinilang siya noong taong 1901 sa Berlin at anak ni Louis Dietrich na isang lieutenant sa Royal Prussian Police. Ang kanyang ermat ay si Josephine na ang pamilya nito ay nagpapatakbo ng isang kilalang department store sa naturang siyudad.

Una nang na-inlove sa kanyang alindog ang isang bebot na mas matanda sa kanya sa pinapasukang eskuwelahan. Kalaunan, nagtrabaho siya bilang stage at film actress sa decadent Twenties sa Berlin at nagkaroon ng kaugnayan sa director na si Rudi Sieber. Sinabi noon ni Marlene na ito na ang kanyang soul mate.

Nagpakasal ang dalawa noong Mayo taong 1923 at nagging anak niya sa kelot si Maria. Nang sumunod na taon (1924), nagkasundo ang dalawa na makisama sa iba  upang tamasahin ang open relationship. Pinayagan ni Marlene si Rudi na magkaroon ng kaugnayan sa Russian aktres na si Tamara Matul.

Sa kasagsagan ng kanyang karera, ilan sa mga kalalakihan sa Hollywood ang naakit sa kanyang alindog. Ang mga pamosong mga aktor ng kanilang kapanahunan gaya nina John Wayne at James Stewart ay sinasabing naangkin ang alindog ni Marlene noong tag-araw ng taong 1936.

Ang kanyang nobyong si Douglas Fairbanks Jr. ay malapit na kaibigan ng Royal Family,  at dahil sa kelot ay natutunan ng bebot ang mga plano ni King Edward VIII na magbitiw sa trono upang mapakasalan ang Amerikanang si Wallis Simpson.

Dahil dito, nabuo ang plano ni Marlene na akitin si King Edward upang ipamukha kay Wallis na hindi lamang ito ang natatanging babae sa mundo batay na rin sa pahayag ni Fairbanks. Nabuo ito nang ang 35-anyos na bebot noon ay nasa kanyang suite sa Claridge. Sinabi umano sa kanya ni King Edward na kakalimutan nito si Wallis. Naligo umano ang kelot at nagbuhos ng pabango. Upang matukso umano ang kelot ay hinubad niya ang kanyang mga kasuotan.

(Image Credit: MissOwl.com/ Priscila Carano) 

Ang katotohanan, nadulas ang bebot sa kanyang binabalak dahil ang kanyang pinagwikaan ay hindi mismong si King Edward VIII. Kundi, si Douglas na kanyang kalaguyo noon. Ayon sa bebot, kinakailangang gawin iyon para sa Inglatera na kapwa bayan nilang iniibig. Kinakailangan umanong may magsakripisyo para roon.

Ayon sa pinakabagong tala tungkol sa kanyang talaarawan, ginagamit ni Marlene ang kanyang kakaibang alindog upang baguhin ang daan ng kasaysayan. Ang kanyang makulay na buhay pag-ibig ay umakit kay JKF at sa tatay nito. Maging ang asasinasyon sa Nazi Lider na si Adolf Hitler ay kanya ring binalak.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento