Mga Kabuuang Pageview

Martes, Setyembre 2, 2014

Misteryo sa Bridgewater Triangle





Ang Hockomock Swamp na kung saan ay sinasabi umanong tirahan ng mga espiritung ligaw at mga engkanto.

Batid ng ilan o pamilyar tungkol sa hiwaga ng Bermuda Triangle. Na kung saan, ang mga dumaraan na mga barko o eroplano sa rehiyong iyon ay misteryosong nawawala. Marahil pamilyar kayo sa kantang “Bridge Over Troubled Water” ng bandang Simon and Garfunkel. Buweno, tila may misteryo sa kantang iyan at totoo ang tungkol doon. Ang Bridgewater Triangle ay mayroong 200 square miles o 520 kilometro na nakahimlay sa southeastern Massachusetts sa bansang Estados Unidos. Ang naturang pook ay nadiskubre ng paranormal researcher na si Loren Coleman at inilahad niya ang mga kakatwang bagay tungkol dito sa kanyang librong “Mysterious America”.


Noong colonial times,  ang naturang erya ay naging matunog o naging usap-usapan tungkol sa mga kaganapang paranormal, UFO ay Black helicopter sightings, poltergeist, hugis bilog na bagay, bolang apoy o kaya ng santilmo, spectral phenomena, mga ilang Bigfoot sightings, mga dambuhalang sawa, thunder birds o nagliliyab na mga ibon, at pagkakapinsala ng mga baka at iba pang livestock. Subalit, ang pinaka- mabenta o ma-intrigang pangyayari sa naturang pook ay ang sinasabing pagpapakita ng mga kakatwang nilalang sa misteryosong Hockomock Swamp na kung saan ay sinasabing ito ay tinitirhan ng mga espiritung ligaw. Tinawatag ito ng mga sinaunang taong nanirahan (mga native Americans o mga Indians noong ika-16 dantaon) sa naturang pook na “The Devil’s Swamp”
.
Sa naturang swamp ay nakikita ng mga Indians ang isang Bigfoot type-creature na tinatawag ding Hockomock Swamp Monster na mayroong 10-12 talampakang pakpak gaya ng ibong Pterodactyl.Isang pulis ang napaulat na nakakita sa kakatwang nilalang May nakikita rin ditong giant snakes, higanteng  mga pagong at mga  buwaya. Kakatwa ring pasalubong Ang hangin  sa naturang pook na waring sinasadyang itulak ang mga nagdaraang tao sa batis para mahulog at pagpiyestahan ng mga dambuhalang nabanggit.

Ang Triangle o hugis tatsulok na pook kung saan nakahimlay ang mahiwagang sapa ay naging Indian burial grounds. Isa sa karaniwang pangyayaring naiulat sa naturang pook ay spooklights o tinatawag ng ilan na ghostlights. Ang naturang kaganapan ay nasasaksihan noon ng mga taga-roon tuwing buwan ng Enero na nakikita sa mga sapa at riles ng tren. Sinasabing ang kakatwang kaganapan sa naturang pook ay bunga ng sumpa ng mga elderly Indians upang mahintakutan ang bagong nakatira o mga colonist na nagtaboy sa kanila mula sa kinagisnan at tinirhang lupa na kinamkam sa kanila. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento