Ang “Horsetail Firefall” na nagmimistulang apoy ang tubig
na bumabagsak mula sa itaas ng talon.
Sa ating Lupang Hinirang, may ipinagmamalaki tayong mga talon o falls
gaya ng Pagsanjan sa bayan ng San
Pablo, Laguna at Maria Cristina
naman sa Iligan Province. Talagang isang magandang anyo ng kalikasang yamang-tubig
ang mga talon na kung saan ay napagkukunan din ng enerhiya gaya ng
elektrisidad.
Ngunit, kakaiba at kakatwa ang talon ng Firefall ng Yosemite Park sa
ibang falls? Bakit kanyo? Kasi, ang tubig na umaagos mula sa itaas at
bumabagsak sa ibaba ay parang apoy. Ito ay tinatawag na “Horsetail Fall” na isa sa pinakamagandang talon sa Hilagang
Amerika. Ang unang firefalls ng Yosemite
Park ay likha ng tao.
Ang malalaking apoy na umaagos ay nagsisimula sa Glacier Point at ang
red-hot embers (abo o kaya’y coal) ay
itinutulak paibaba ng granite wall lalo na kapag gabi. Kung kaya, ang tubig ay
nagmimistulang apoy na umaagos kung titingnan. Isang napakagandang show of
fireworks iyon hanggang sa masunog ang likhang artipisyal na apoy noong taong
1960. Kung kaya, ang napaka-delikadong paraan na ito ay itinigil na ng
kinauukulan.
Subalit, hindi pa rin naalis sa naturang talon ang firefall. May mga
nakikita pa ring kakaiba ang mga miron doon lalo na ang mga turista na mag-enjoy
sa kakamasid ng umaagos na tubig na tila lumiliyab na apoy. Kapag kasi tinatamaan
ng sikat ng araw ang tubig na umaagos sa itaas ng talon, kusa itong
nagmimistulang nagliliyab na apoy kapag umaagos na paibaba sa granite wall, na
siyang nagiging dahilan kung bakit nagiging parang apoy ang tubig.
Dahil na rin
sa mga ulap at mga bagyo, na karaniwan na roon kapag taglamig o winter months,
ang estado ng California ay tuyo kung kaya ang Horsetail Firefall ay makikita
lamang ng tiyempuhan. Dapat na taymingan ito ng mga tao kung kalian lalabas ang
mistulang tubig na apoy sa naturang falls dahil nagyeyelo ang malaking parte
nito kapag taglamig.
Para inyo pong ma-enjoy ang kamangha-mangha at nakakabilib na talon,
tingnan nyo po ang video nito sa Youtube na may pinagamatang “Horsetail Firefalls”.