Mga Kabuuang Pageview

Sabado, Agosto 23, 2014

ANG LINDOL, TURIN SHROUD AT SI DA VINCI





Sa ilang panahong nagdaan, ang Turin Shroud na kung saan nakabakat ang mukha ni Jesucristo pagkapatos ng kanyang crucifixion ay naging sentro ng kontrobersiya at debate. May ilang naniniwala na ang shroud ay totoo at ang iba ay naniniwala na ito ay peke o isang medieval forgery. 

Ngayon, isang pananaliksik sa Italya ang isinagawa ng mga scientist; na kung saan ay naniniwala sila na ang imahe ni Cristo ay kagagawan ng isang malakas na lindol na naganap noong 33 AD. 

Na kung saan ay naglabas ng neutron particles na nagresulta sa aksidenteng pag-imprenta o pagbakat sa imahe ni Jesus sa damit gaya ng pagkopya ng isang X-ray. Karagdagan pa sa paliwanag sa pinagmulan ng nasabing imahe, sinasabi rin sa isinagawang research na ang pagtaas ng lebel ng carbon-14 isotopes sa tela ay lumalabas na 768 taon ang gulang base sa radiocarbon tests. Ayon sa scientist na pinangungunahan ni Prof. Alberto Carpinteri mula sa Politecnico Torino, lumalabas sa radiocarbon na isinagawa sa Oxford University noong taong 1988, ang tela o cloth ay lumalabas na 728 taon lamang sa halip na 1,967 taon.

Kung kaya, lumalabas na pineke lamang ang nasabing shroud. May ilang scientist din ang nagmungkahi na ang neutron radiation ang responsible sa ghostly image ng crucified man na naka-krus ang mga kamay. Pero, hindi naman maipaliwanag kung papaano nangyari ang radiation. Noong taong 1898, isang abogado ang kumuha ng naturang larawan ng nasabing tela. 

Ang kanyang negative ay naglalabas ng detalye kasama ang facial features na tago o di nakikita ng mata. Sinasabi rin na ang shroud ay hindi yung telang ginamit na pambalot sa labi ni Cristo nang namatay ito. Kundi, ito ay tela kung saan nakahulma ang mukha ng Italyanong pintor na si Leonardo Da Vinci. Kaya. Pinagdududahan ang pintor na siya ang pumeke sa Turin Shroud.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento