Mga Kabuuang Pageview

Biyernes, Agosto 15, 2014

MGA PALATANDAAN NA ANG SIMPLE AY NAGIGING SOSYAL NA!



May isang kaibigan na sa akin ay nagtanong, anu-ano raw ba ang mga signs na ang isang simpleng tao noon ay nagpapa-sosyal na ngayon? Magandang talakayin ito dahil dito natin malalaman ang mga kasagutan. Base sa ating masusing pagmamasid at pananaliksik, ito ang mga palatandaan mga folks!

May mga signs na dapat tayong mainis sa kanila at kung minsan ay nakakatuwa ang karamihan.Kaya atin nang simulan ang ilang natatanging palatandaan na ang isang simple ay nagiging sosyal na.
  1. Kapag uminom ng softdrinks, naka-straw ito at halos kalahati lang ang iniinom.
  2. Ayaw nang kumain ng street foods tulad ng fishballs, kikiam, chicken balls, kwek-kwek, at isaw.
  3. Dala-dalawa ang gusto niyang cellphone. Kung dati ay naglalakad lang sa layong 500 metro ang pupuntahan, nagta-taxi na ngayon.
  4. Ayaw nang sumakay sa ordinary bus, gusto ay sa aircon na may TV. Kapag wala, di siya sasakay dun.
  5. Kapag kumakain ng donut e tipid na tipid ang kagat. Samantalang dati ‘e isang subo niya lang iyon.
  6. Ayaw nang bumili ng piratang DVD na pelikula. Gusto e orig na.
  7. May Twitter account gayung hindi naman siya sikat na sikat na personalidad.
  8. Parang napapaso na at allergic sa sikat ng araw. Nagpapayong siya at pahid ng pahid ng lotion para di mag-amoy araw. Hapong-hapo kapag nasikatan ng araw lalo na sa tanghali.
  9. Halos isang oras na sa banyo kung maligo. Marami siyang uri ng sabon na ipinapahid sa kanyang katawan. Kumpletos rekados. Uunahin muna ang germicidal soap, tapos e moisturizing, tapos, bleaching, tapos beauty soap at at panghuli ay whitening soap
  10. Kung dati ay Perla at Likas Papaya lang ang ginagamit na sabong pampaputi ng balat, Glutathione na ang gamit niya kahit mahal ito.
  11. Kung dating aray lang ang maririnig mong expression sa kanya kapag nasaktan. Ngayon ay "Oh My Gosh" na. Ang nakakaloko ay "nakakalorki".
  12. Nagpalagay na ng cable sa bahay nila para makapanood kuno ng mga Hollywood Movies. Nagsasawa na sa mga teleserye at mga palabas na likhang Pinoy
  13.  Dedma na si Piolo Pascual o kaya’y si Angel Locsin sa kanya. Sina Robert Pattinson at Kristen Stewart na ang nasa poster na nakadikit sa aparador at dingding ng kanyang kuwarto.
  14. Nagsha-shades kahit di tirik ang araw. Pupunta lang ng mall para magwindow shopping 'e akala mo sa Red Carpet ng Oscars pupunta dahil todo porma ang arrive.
  15.  Sawa nang magbasa ng Pinoy Romance Pocketbooks at ang gusto na ay ang mga foreign na love story pocketbooks. Bumibili siya at binabasa kahit hirap siyang intindihin ang istorya. Ang bago, sa Wattpad na sa Ipad n'ya nagbabasa ng mga nobela.
Ikalawang Bahagi
  1. Allergic nang kumain ng tuyo at daing.
  2. Sa kagustuhang pumuti ng todo at hindi makonte sa mga whitening soap na binibili, nagpaturok na ng Glutathione.
  3. Kakain lang noodles na puwede namang tinidurin at kutsarahin 'e nagtsa-chopsticks pa.
  4. Panay ang English spokening dollar kapag kasama ang ibang sosyalerang tropa. Hindi halata na mali ang grammar dahil dinadaan lang sa bilis at pa-slang magsalita ng English.
  5. Mahilig tumambay sa Starbucks Coffee. Bibili ng mahal na kape run kahit may nabibili naman sa karinderya o mga tindahan na sampung piso o limang piso isang tasa. Di baling kulangin siya sa budget basta naka-Starbucks siya. Pero, nagje-jeep lang naman pauwi. 
  6. Kung dati 'e tabloid na dyaryo ang binibili, broadsheet na ang binabasa niya.
  7.  Pinagsasabing imported kuno at orig ang mga branded na damit at accessories na pinamili niya, iyon pala ukay-ukay lang.
  8. Madalas gumawi sa mga TV stations at magpapakuha ng mga litrato sa mga matitiyempuhang mga artista. Kapag na-develop na o kayay na-upload sa Facebook, e sasabihing kaibigan niya ang mga ito at marami kuno siyang kabatak na artistarits.
  9. Kung dati ay sa public school lang nag-aaral, ngayon ay nagtransfer na sa private iskul.
  10. Dati’y bopis lang ang pinapakain niya sa alagang asong askal, 'e corned beef na ngayon ang pinapakain niya. Kapag gumanda nga naman kasi ang katawan at balahibo 'e sasabihin niyang may lahi ang alaga niyang aso.
  11. Hindi sasakay ng MRT o LRT kapag siksikan. Gusto niya ay maluwag dahil ayaw niyang naiinitan at nakikipagsiksikan.
  12. Kung dati ay siya ang naglalaba ng marurumi niyang mga damit, nagpapa-laundry na ngayon siya para hindi manguluntoy ang precious hand niya.
  13. Mahilig nang mag-edit ng photo lalo na ng lugar na napuntahan niya kuno. Sa halip na sa Ongpin lang pumunta,  palalabasing sa Hong Kong siya nakapunta. Sa halip na sa Manila City Hall ay palalabasing sa harap ng White House at Big Ben nagpakuha ng larawan.  Kapag sa Luneta ay palalabasing sa Eiffel Tower nagpakuha ng larawan dahil nakapunta kuno sila run.
  14. Magpapaligaw sa kelot na may bonggang kotse kahit hindi naman niya ito type. Siyempre nga naman, bongga ang arrive kapag laging sumakay at bumaba sa BMW saka Mercedez Benz.
  15. Kung dati ay sumasakay lang ng barko kapag umuuwi ng probinsiya, ngayon ay sa eroplano na sumasakay. Natatakot nang abutan ng bagyo sa laot at baka ang barko'y lumubog.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento