Hello again sa inyo, my beloved readers. Sana ay nasa mabuti
kayong kalagayan. Sana, hindi kayo magsasawang basahin ang mga kabulastugang
nakasulat rito. Di bale, nakagagamot naman ito ng mga sakit lalo na sa tiyan.
Buweno ang ating topic sa isyung ito ay tungkol sa karton na Dragon Ball Z.
Nung bata-bata pa ako ay napapanood ko na ang cartoon na ito at nagandahan ako.
Sa channel 9 pa ito noon pinapalabas at sa wikang English pa ang lengguwahe.
Marami ang nahatak ng Dragonball Z sapol nang Dragonball pa lang ito nung
maliit pa si Goku hanggang sa magkaroon na ng Z soldiers. Aba, kahit anong
henerasyon ata ‘e kilala ang mga karakter ng Dragonball Z saka yung mga
kontrabida.
Kaya nga, tinagurian itong Number 1 cartoon sa Asya noong dekada
90 at umarangkada rin sa US. Ang naturang cartoon na ata ang isa sa may
pinakamahabang serye at mula sa mga labanan nito, maraming cartoon na
nagsulputan ang gumaya sa estilo ng Dragonball Z, simula sa labanan sa arena at
sa mga kapa-kapangyarihan. Saka eto ang cartoon na hindi ata nalalaos. Na kahit
ulit-ulitin mong panoorin, di ka magsasawa. Isa pa sa nakaka-adik sa Dragonball
ay ang mahabang serye ng labanan na umaabot ata ng kulang-kulang isang buwan.
Alam yan ng fans ng Dragonball.
Sample dyan ay ang Freeza, Cell, at Majinboo saga. Saka yung
karakter nito, mahuhusay ding umarte. Saka may mapupulot kang aral sa nasabing
cartoon gaya ng pagkakaibigan, pagmamahal sa mga mahal sa buhay, sa kalikasan,
sa mundo, pagiging maamo at mapagpatawad. Di ba’t ganyan ang karakter ni Son
Gokou? Kaya nga sa tanda kung ito ay nanonood pa ako ng nasabing cartoon. Teka,
my belabed readers, dyan muna kayo, manonood pa ako ng labanan nina Goku at
Freeza.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento