Kung
minsan, may mga pagkakataong di natin nauunawaan ang mga kababayan natin na
naghahanapbuhay bilang mga taxi driver. Naiinis tayo kapag pinapara natin sila
para sumakay tapos iisnabin lang tayo. Teka, baka naman may dahilan kung bakit
di sila huminto kapag pinapara natin?
Hindi
madali ang maging taxi driver. Kaakibat ng pagmamaneho nila ay nasa binggit din
ng panganib ang buhay nila Papaano kung ang mga pasahero nila ay mga masasamang
loob pala? Teka, alamin muna natin ang sagot kung bakit nang-iisnab sila. Baka
may dahilan. Ito sa tingin ko ang mga tiyak na dahilan.
1.
Baka nagugutom na at kakain muna sandali. Mahirap kaya magmaneho ng
gutom. Nakakalabo ng mata at nakakabawas ng alertness. Mahirap magpreno na
nahihilo ka na sa gutom. Gusto mo bang mabangga ang sinasakyan mong taxi dahil
nawalan ng preno ang driver? Siyempre hindi.
2.
Baka tinatawag ng kalikasan. Baka na-dyiyinggel o kayay najejebakers.
Mahirap kayang magmaneho nang natatae ka. Gusto nyo bang magkalat yung driver
sa taxi? Dyahe di ba?
3.
Baka nakatanggap ng text o tawag sa cellphone na emergency. Baka inaapoy
ng lagnat ang anak lalo na kapag sanggol na kinakailangang dalhin sa ospital. Baka
may sunog sa barangay nila at ang sunog e malapit lang sa bahay nila.
4.
Baka may hinahanap na pasaherong nakaiwan ng mahalagang gamit sa taxi na
kailangang isauli. Sa halip na mainis tayo ay dapat matuwa tayo dahil kung tayo
ang nawalan, isasauli rin iyan ng tapat at mabuting taxi driver.
Ang
problema lang ng mga driver ‘e mataas na presyo ng gasolina. Pero, sa kabila
niyan, tila masuwerte rin ng maging taxi driver. Nariyang nakakakita ng
cellphone yan at pitaka. Na kapag isinauli sa may-ari e bibigyan ng reward.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento