Mga Kabuuang Pageview

Miyerkules, Agosto 6, 2014

PUSA LABAN SA LEPTOSPIROSIS!




Magandang araw sa inyo mga giliw kong mga kababayan. Salamat at nabigyan tayo ng pagkakataong ibulalas ang ating mga anik-anik na kaalaman pero nakabubuhol po ng utak. Ito po ang buwena manong handog ko sa inyo.

Pag-usapan natin ang tungkol sa kinatatakutang sakit na “Leptospirosis o rat fever na galing sa pesteng mga daga. Kapag lumusong ka sa baha na may sugat ka, tiyak na lagot ka. Alam nyo ba na hindi lang tao ang puwedeng maapektuhan ng ganyang sakit, kundi pati na rin ng ilang hayop gaya ng baka, baboy, pato,  at aso.

Magastos ang pagpapagamot sa naturang sakit. Ang sa akin lang,  may nakikita akong solusyon kahit papaano diyan e ang mga pusa. Kapag tinamaan ng ganung sakit, padilaan lang sa alagang pusa ang apektadong sugat at mapupunta raw ang sakit sa kanila. Pakagat daw ang mga may leptospirosis sa mga pusa para malipat sa kanila ang sakit. Iyon nga lang, baka lagot ka naman sa rabies. Ang maganda e mag-alaga na lang tayo ng sandamakmak na pusa lalo na kapag tag-ulan para mabawasan ang sangkaterbang mga daga. Tiyak na titirahin sila ni muning. Kaso, iyong ibang mga pusa e takot na sa mga daga. Kapag nakakita ng malaking daga, dedma na lang.

Pero, kapag pinatulan ng matapang talaga na pusa ang pesteng daga, magtataka ka kung bakit buhay pa rin ang pusa kapag kinain nila ang daga. Hindi ba’t isang napakaruming hayop ang daga na nagdadala ng sakit? Yan ang magic na dala ng pusa. Dapat siguro e ikampanya ng DOH na magkaroon ng bakuna na galing sa pusa (iyong immune system nila) para masugpo ang bacteria na galing sa daga. Para maiwasan ang leptospirosis, kailangang gumawa ng lotion na galing sa taba ng pusa at ipahid sa sugat. Para kung talagang kailangang lumusong sa baha, e may panlaban ka.

Kaso, baka kapag nabakunahan na ang mga madlang pipol ay baka mawili na sa kakamiyaw-miyaw. Buweno, hanggang ditto na lamang muna ang mga kabulastugang suhestiyon at hanggang sa muli. Pagpalain po tayo ng Lumikha. Mabuhay ang mga manas, ah… este ang Pinas. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento