Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Agosto 11, 2014

MGA KUWENTONG 12 FRAMES SA KOMIKS


Noong taong 2008, depressed ako nun. Feeling ko nun, malas na malas na ako sa buhay. Wala akong raket nun, ewan kung bakit? Siguro on that time, nasa matinding akong pagsubok. Hanggang noong Setyembre 2008, naging bahagi ako ng pahayagang Remate at naging kontributor bilang manunulat sa mga espasyong komiks. Noong mga panahong iyon, ang opisina ng Remate ay nasa Quezon Avenue sa Legacy Building. 

Doon ko unang nakilala ang taong  muling nagtiwala sa aking kakayahan bilang manunulat at dibuhista sa katauhan ni sir Arnold Pajaron Sr. Nakapasok ako sa Remate dahil sa tulong ng mga kaibigan ko sa komiks na sina Ogie Almeda at Alvin Goya. Dito ko rin nakilala ang mga taong naging bahagi ng aking karera sa pagsusulat na sin Francis Atalia, Rey Atalia, Percival Denolo, Esphid Mahilom at Joe Dalde. Dito ko ulit nakasalamuha ang mga kilala kong artists na sina Mang Louie Celerio, Romy Santos, Amelia Lince at Bobby Villagracia. 

May 2 pahina nun sa Remate na puro komiks at gumagawa ako ng kuwento para sa 12 frames short stories. Kaya ito rin ang nagtulak sa akin na ganahang magsulat at magfocus dahil may pagmamahal sa komiks ang nasabing dyaryo. Dito, naramdaman ko na may buhay pa ang komiks na aking minahal sapol sa aking pagkabata. Narito ang ilang nalathalangf kuwento sa komiks sa pahina ng Remate na mayroong tapusang 12-frames. 



Ang Kuwentong " Waiting Shed" ni Ravenson Biason na iginuhit ng batikang dibuhista na si Mang Romy Santos. 


Ang Kuwentong " The Golden Beast " ni Ravenson Biason na iginuhit ni Mang Esphid Mahilum. 


Ang Kuwentong " Movie Star" ni Ravenson Biason na iginuhit uli ni Mang Esphid. 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento