Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Agosto 28, 2014

Misteryo ng Cardiff Giant



File photo noong ika- 16 ng Oktubre 1869 sa pagkakahukay sa Cardiff giant sa bukid ni William Newell na pinsan ni George Hull. (google image)

Noong ika-16 ng Oktubre 1869, ang pagkatuklas sa isang higanteng labi ay sinasabing isang malaking pandaraya ng Estados Unidos. Kasama na nga rito ang Fort Dodge. Noong mismong petsang iyon, ang 10 foot, 4/2-inch tall, 2,990-pound petrified man at ang eight wonder of the world ay natuklasan sa isang farm sa Cardiff, N.Y. 

Ayon kay David Parker, director ng Fort Museum and Frontier Village, ang isang huwad na kaganapang ito ay nagsimula noong tagsibol ng taong 1866 noong si George Hull ng Birmington, N.Y ay nasa Ackley upang dumalaw sa kanyang kapatid na babae.

Ayon pa kay Parker, mayroong tent doon at nangangaral ang isang preacher at nagbasa ng talata sa Biblia (Genesis 6:4) na mayroong mga higante sa lupa noong mga panahong iyon. Sinabi pa ni Parker na si Hull ay isang atheist at sumali sa isang diskusyon sa naturang pangangaral.



Nagpasyang makipagdiskusyon si Hull at nakipagbiruan sa preacher. Noong tag-araw ng taong ng 1868, si Hull ay nasa Fort Dodge noon at nagtanong tungkol sa gypsum rock quarries. Ayon sa talang kuwento ng The Messenger noong petsang Mayo 23, 1868, si Hull at si Mr. Martin ng Cedar Rapids ay nagtangkang mag-quarry ng gypsum sa ganang kanilang sarili ngunit nabigo. Inupahan nila si Michael Foley ng Fort Dodge upang gawin ang trabaho para sa kanila. Pinamahalaan ni Foley ang pagtitibag ng slab (bato o marmol) na tumitimbang ng 5 tonelada at may taas na 20 talampakan, 3 talampakang lapad, at may 18 pulgadang kapal.

Ang naturang gypsum o mineral na solido na mala kristal (na yari sa Hydrated Calcium Sulfate) ay ipinadala sa railhead sa Boone at dinala naman ito sa Chicago. Ayon pa sat ala ng The Messenger, ang sukat at bigat ng slab ay nagdulot ng problema kay Hull. Dahil halos 1,200 pounds ng material ang nabawas sa naturang slab para lamang tumakbo ng maayos ang tren. 

Nang dumating iyon sa Chigago, ang mga iskultor na inupahan upang iukit ang bloke ng gypsum sa hugis ng isang higanteng tao na hinahawakan ang kanyang sikmura na parang bagang nakadarama ito ng matinding sakit.

Ang mga iskultor ay pinasumpa na ilihim ang tungkol dito dahil sa iniisip ni Hull na isang hidden agenda. Ginamitan pa sulfuric acid ang naukit na pigura para bigyang gulang o edad ang hinulmang higante. Tinurukan din ito ng mga karayom para makalikha ng skin pores para gawing makatotohanan ang higante. Pagkatapos nito ay inilagay ang higante sa isang malaking kahon at ipinadala sa Union sa estado ng Nueba York. Noong  Nobyembre taong 1868, muli iyong napasa kay Hull.

At mula rito, lumikha ng planadong istorya ang kelot (kung papaanong matutuklasan ang naturang higante) kasapakat ang pinsang si Hull na si William Stub Newell na naninirahan sa labas ng Cardiff. Ang plano ay ibaon ang higante sa bukid ni Newell at hayaan ito roong nakabaon sa loob ng isang taon. At pagkatapos ay huhukayin ito at palalabasing natuklasan ang higante na nabuhay libong taon na ang nakalilipas.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento